Comedienne Kitkat admits enhancing her breasts

IMAGE 0


Kitkat has no qualms in admitting that she underwent breast enhancement at Dr. Vicki Belo's clinic.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang comedienne na si Kitkat sa presscon ng bagong Sine Serye ng ABS-CBN, ang Patayin sa Sindak si Barbara, noong Enero 4 sa Studio 1 ng ABS-CBN. Inamin ni Kitkat na kaya lumaki ang kanyang boobs ay dahil ipinaretoke niya ito kay Dra. Vicki Belo.

Paliwanag ni Kitkat, kaya niya ginawa ay gusto niyang makilala bilang isang sexy comedienne. Sinuwerte naman daw siya sa kanyang career nang magparetoke siya. Nagkaroon daw siya ng endorsements. Kinuha siya bilang image model ng isang brand ng jeans, bra at panty, at ng isang sabong pampaputi.

May non-showbiz boyfriend si Kitkat. Limang taon na raw tumatakbo ang relasyon nila ni Bobot. Wala pa raw si Kitkat sa showbiz ay boyfriend niya na ito.

"Mabait siya kaya nagtagal kami," sambit ni Kitkat. "At okay lang sa kanya na nagparetoke ako. Siya yung nagpapagaling nung sugat ko dati sa boobs. Kasi 'yan, 'pag bago 'yan, parang tubo 'yan, drainage ng dugo. Siya yung every two hours, nagdi-drain nun. Siya ang nag-alaga sa akin."

Kahit matagal na ang relasyon ni Kitkat kay Bobot ay wala pa raw silang planong magpakasal.

"Focus muna ako sa career ko. Saka na muna yung kasal. Darating din naman kami doon, hindi naman kami nagmamadali," aniya.

Nasa pangangalaga ng ABS-CBN si Kitkat. Nung napansin niya noon na hindi na siya nabibigyan ng proyekto ng Kapamilya network ay nagdesisyon siya na lumipat na lang sa GMA-7. Kaya lang, nagbago na siya ng desisyon dahil muli siyang binibigyan ng show ng Dos. Wala na sa plano niya na mag-ober da bakod sa kalabang istasyon nito.

"Nag-guest ako dati sa Pedro Penduko. ‘Tapos ngayon naman, kasama ako sa Patayin sa Sindak si Barbara. Bale gumaganap ako rito bilang assistant ni Ma'am Amanda (Susan Roces). At the same time, yaya rin ako ng isang bata, si Celine Lim, kaso napapabayaan ko siya dahil sa kalalandi ko sa isang hunk na driver ng truck ng basura. Kaya minumulto ako ng nanay niya na si Jodi [Sta. Maria]," kuwento ni Kitkat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pang dahilan ni Kitkat kung bakit hindi na siya nagdesisyon na lumipat sa GMA-7 ay dahil nandoon na raw si Tuesay Vargas na dating kinukumpara sa kanya.

"Pero sa totoo lang, mas talented ako kay Tuesday, huh! Mas marami talaga akong talents kumpara sa kanya!" tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN