Emilio Garcia sees acting as lifelong career, hopes for more challenging roles

IMAGE 0


"Ito na kasi ang buhay ko... Umabot nga akosa point na hindi na ako umaarte dahil lang sa pera. Gusto ko kasi angginagawa kong ito, at gusto kong makaganap sa very challenging roles," says Emilio Garcia about being an actor.



Lumilinya na ang aktor na si Emilio Garcia noon sa action movies nang biglang nawala ang genre na ito sa uso. Aminado si Emilio na naapektuhan din ang career niya, but he had his way to survive.



"Hindi lang naman action movies ang parang nawala. Mukhang there was a time, hindi talaga nauso ang pelikula, kaya lahat ng artista, nasa TV. Ganoon din lang ang ginawa ko," pahayag ni Emilio.

Twelve years na sa showbiz si Emilio. Lately, naririto pa rin nga at very much felt ang presence niya, lalo na't magaganda ang reviews sa akting na ginawa niya sa Selda, isang indie film na idinirek ni Paolo Villaluna para sa Starviews Productions.

"Bihira lang dumating kasi ang ganyang klaseng project. Ang talagang bumubuhay sa akin, ang TV. Tuloy-tuloy ang assignments. Pagkatapos ng isa, may kasunod na naman, gaya nitong Kamandag.



"Dumating na rin ang ups and downs sa career ko. Okay lang ako sa showbiz, pero nang pasukin ko ang negosyo noong mga late nineties, hindi nag-prosper. In other words, walang nangyari. That was the time na na-consider ko, puwede sigurong mag-migrate na lang. Kasi, that time, may pamilya na rin akong dapat kong buhayin," sabi niya.

Naisip lang daw ni Emilio noon na mag-iba ng field, sumubok ng ibang challenge. "Pero everytime na gagawa ako ng step, hindi natutuloy. Supportive ang family ko sa akin, kaya naiisip ko na lang, hindi ako meant to try something else, na mag-try ng luck sa ibang field," lahad niya.



Sa palagay ni Emilio, puputi na lang ang buhok niya at tatanda bilang artista sa showbiz.



"Ito na kasi ang buhay ko," sambit ng aktor. "Gumanda rin naman kahit paano ang kapalaran ko rito, kaya hindi na masama. Umabot nga ako sa point na hindi na ako umaarte dahil lang sa pera. Gusto ko kasi ang ginagawa kong ito, at gusto kong makaganap sa very challenging roles."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



May nagsasabing sa pagganap ng isang discreet gay inmate sa Selda, nagkaroon ng initial inhibition si Emilio. Pero pinabulaanan ito ng aktor.



"Hindi naman," tanggi niya. "Kasi maski nang gawin ko ang movie, wala akong naramdamang pagbabago sa tingin ko sa gays. Hindi ako nagkaroon ng problema sa ganyan. Kasi, pumasok din ako sa modelling, di ba? Doon ako nag-umpisa. Palagay ko, ginawa ko lang nang tama yung hinihingi ng role."



Pero nagkaroon ba siya ng apprehensions sa kissing scenes nila ni Sid Lucero sa ilang eksena sa Selda?



"Nanginginig ako noong una, bago namin gawin!" natatawa si Emilio. "Pero inisip ko na lang, I have to do it, kasi, role lang naman 'yan. I have to be convincing sa eksenang 'yon, kaya ginawa ko sa abot ng aking makakaya. Pero siyempre, before that, naisip ko na dapat ay kumportable kami ni Sid sa isa't isa. Ganoon naman kami, maski sa umpisa pa lang ng shooting. Nag-bonding kami, nag-uusap, para wala nang hiyaan.



"First time naming pareho sa ganoong eksena, kaya pinag-usapan namin. Mabuti at hindi lumabas na awkward," dugtong ni Emilio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN