Jolo Revilla talks about love at first sight for Lovi Poe

IMAGE 0


Jolo Revilla describes his special someone, Lovi Poe, as someone who is simple and nice. "Mahirap na kasing makahanap ng katulad niya. Yung hindi lumalabas at nag-aaral pa kahit may showbiz career," says the son of Senator Bong Revilla.


Habang ini-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lovi Poe sa labas ng Klownz Quezon Avenue, Quezon City, dumating si Jolo Revilla sakay ang kanyang kotse upang sunduin siya. Naging front act si Lovi sa January 5 show nina Ogie Alcasid and Regine Velasquez, Regine and Ogie: A New Year Special (produced by Philippine Movie Press Club and Klownz).

Masaya ang atmosphere nang sumunod na mga minuto dahil pagkababa ni Jolo sa kanyang sasakyan ay pinakiusapan siya ng PEP, kasama ang iba pang mga kasamahan sa PMPC, na umupo katabi ni Lovi para magkuwentuhan at magiliw naman itong nagpaunlak.

Unang banat na tanong kay Jolo, ano raw bang maio-ooffer niya sa nililigawang si Lovi? "Basta, hindi siya magugutom sa akin," na ikinatawa ng lahat.

Sa defunct GMA-7 show ng kanyang amang si Senator Bong Revilla na HP (Hokus Pokus), Ibang Level Na! unang nagkakilala at nagkasama sina Jolo at Lovi. Inamin ng binata na naging crush na niya agad ang dalaga noon pa lang sa show na iyon.

"Kaso, nagpalit ako ng cell number after nung show. So, one time na may meeting ako sa Blue Wave (Macapagal Ave), tiyempong andun rin siya with friends.

"Nung nakita ko siya uli doon, nagkasalubong kami. Kinuha ko uli ang number niya and mula noon, nagsimula na ako," natatawang kuwento ni Jolo kung paano sila nagkakilala ng young actress-singer.

"At this point kasi, kakakilala pa lang namin, e, so mas magandang magkakilala pa kami munang mabuti."

Na-love at first sight ba siya sa beauty ni Lovi noon pa mang HP days? "Hindi ako ganito [ka-excited] kung hindi," sabi ni Jolo.

Mukhang love is in the air, at sabi ng mga nakapaligid na mga reporters, bagay silang dalawa together. Ano nga ba ang nagustuhan ng anak ni Bong Revilla sa anak naman ni Fernando Poe Jr.?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Simple lang siya. Mabait. Mahirap na kasing makahanap ng katulad niya. Yung hindi lumalabas at nag-aaral pa kahit may showbiz career."

Ang kaso, sabi nga ni Lovi, hindi pa raw ito handang makipag-serious relationship. "Handa akong maghintay sa kanya. I can wait," seryosong lahad ng young actor.

Kung nabubuhay kaya si FPJ, papasa siya dito as Lovi's suitor or future boyfriend kaya? "Naku, baka bumangon si Papa! Hahaha!" singit-pambibiro ni Lovi, na obvious na kinikilig rin at may kislap ang mga mata.

Pagpapatuloy ni Jolo, "Wala naman po akong masamang intention, e. And mataas ang respeto ko kay Tito FPJ."

Umiral rin ang pagka-gentleman nitong si Jolo dahil noong time na gusto na niyang simulang pormahan si Lovi, ay kinausap pa nito si Cogie Domingo kung "sila" ni Lovi at that time. Nabalitaan nga raw kasi ni Jolo na nanligaw rin si Cogie sa ginigiliw nitong girl.

"Tinanong ko lang si Cogie kung sila. So, nung malaman kong hindi, libre pala ako, kaya ayun, dun na nagsimula."

Payag ba siyang paligaw si Lovi sa iba, aside from him? "Depende sa kanya," sagot ni Jolo.

Sabi ni Lovi, 50-50 ang chances na sagutin siya nito, kaya hiningi namin ang reaction dito ni Jolo, sa mismong harapan ni Lovi. "Let's see na lang. Hehehe," maikli niyang statement, pero nangungusap ang singkit niyang mga mata, patingin-tingin sa babaeng nililigawan.

Nasabihan na ba ni Jolo ng ‘I love you' si Lovi? "Sa amin na lang 'yon. Mas maganda kung sa amin na lang 'yun," pakiusap nito na kahit ang mga reporters na kaharap ay kinilig-kilig rin sa bagong "loveteam."

Gaano ba niya kamahal si Lovi? "Kung sa mahal, walang kuwestiyon doon. Wala naman ako dito ngayon kung hindi ko siya mahal, di ba? Pero yung kung gaano, baka masagot ko 'yan pagdating ng tamang panahon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

That night bago tumungo ng Klownz ay nanggaling silang dalawa mula sa Metro Manila Film Fest awards night sa SMX Convention Center (tabi ng SM Mall of Asia), at dito napakilala nang personal ni Jolo si Lovi kay Senator Bong. Naging parang lucky charm ni Jolo si Lovi dahil nanalo ang kanilang pelikulang Resiklo bilang Best Picture

"Natutuwa naman ang papa ko for me, happy rin siya for us. Sabi lang niya, 'Basta 'wag mong lolokohin 'yan!' Kaya tawa ako nang tawa," say ni Jolo.

Hindi ba nailang si Lovi nang simulan na niya ang panliligaw, kahit they started as friends? "Tanungin niyo na lang siya, pero palagay ko hindi naman."

Sa Starbucks sa may lugar nina Lovi sa may Magallanes sila unang nag-date na very memorable for Jolo. Sinabi rin ng batang ama na wala naman daw problema sa kampo ng naanakan nitong si Grace, at sa ina nitong si Rosanna Roces, magkaroon man ito ng bagong girlfriend in the person of Lovi.

"Nung nagka-boyfriend namang iba si Grace, pinabayaan ko lang, wala silang narinig sa akin. Matagal na kasi kaming wala, so okey lang rin siguro sa kanila."

Samantala, natsismis na naman ang kanyang ama na may nagsusulputang babaeng diumano'y naanakan nito. Hindi kaya magaya si Jolo sa kanyang ama?

"Siyempre, gusto kong maiwasan 'yon. Bilang isang lalaki, masakit rin kasi 'yon eh. With my mom, alam kong normal lang sa kanya na masaktan rin, pero okey lang 'yon."

Maging playboy rin kaya ang image niya? "Hindi naman po ako playboy," sambit nito. "Kung playboy ako, marami ako ngayong girls, di ba? Pero sa ngayon, si Lovi lang talaga para sa akin," ma-romantikong pagtatapos ng in-love na bagets.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN