Jennylyn Mercado uncertain if she will push through with "FHM" signing

IMAGE 0


The editor-in-chief of FHM had no inkling that their cover girl Jennylyn Mercado (in photo) would announce this month that she was pregnant with Patrick Garcia's baby.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Allan Madrilejos at ayon sa kanya, hindi apektado ng biglang pagbubuntis ni Jennylyn Mercado ang sales ng January 2008 issue ng FHM.

Si Allan ang editor-in-chief ng nangungunang men's magazine ng bansa. Kabilang si Allan sa mga nagulat nang makumpirma na totoo ang tsismis na buntis si Jennylyn sa boyfriend niyang si Patrick Garcia.

Sa sariling salita ni Allan, may "bagong-bihis" o bagong look ang FHM. Si Jennylyn ang napili na maging cover girl ng unang issue sa 2008 ng FHM dahil sa mga bagong plano niya sa kanyang showbiz career.

Walang kamalay-malay si Allan at ang FHM staff na nag-uumpisa na ang pagbubuntis ni Jennylyn nang magkaroon sila ng pictorial noong November 29, 2007.

May naka-schedule na autograph signing session at radio promo tour si Jennylyn para sa FHM. Hindi pa matiyak ni Allan kung matutuloy ang autograph-signing ni Jennylyn dahil sa kalagayan nito.

Surprisingly, nakatanggap si Allan ng mga message mula sa fans ni Jennylyn pero hindi ang pagbubuntis nito ang kanilang concern. Mas interesado sila na matuloy ang autograph signing session nila sa nabuntis na aktres.

Ayon kay Allan, ngayon lamang nila naranasan na magkaroon ng FHM cover girl na sumabay ang pag-amin na buntis sa paglabas sa mga magazine stand ng kanilang pahayagan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN