Court junks ABS-CBN's complaint against AGB Nielsen

IMAGE 0



Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ngayong araw, January 7, ang complaint na inihain ng ABS-CBN laban sa AGB Nielsen dahil "prematurely filed" daw sa korte ang kaso.

Matatandaang nagsampa ng P63-million civil case ang ABS-CBN laban sa AGB Nielsen noong December 14 dahil sa diumano'y pagkabigo nitong magsagawa ng imbestigasyon sa report na na-infiltrate ng outside party ang ilang sample households para sa TV ratings survey sa Bacolod.

Sa isa pang kaugnay na balita, nag-isyu na rin ang isa pang Quezon City Court ng summons sa ABS-CBN Broadcasting Corp. at labinlimang empleyado nito upang sagutin ang P15-million damage suit na isinampa ng GMA Network.

Inisyu ni QCRTC Branch 92 Presiding Judge Samuel Gaerlan ang summons na nag-uutos sa ABS-CBN na sagutin sa loob ng 15 araw ang civil suit pagkatanggap nila ng summons na ipamamahagi sa loob ng araw na ito.

Isinampa ng GMA Network, sa pamamagitan ng legal counsel nila na si Atty. Gener Asuncion, ang damage suit noong January 3 laban sa rival network nitong ABS-CBN dahil diumano sa pag-aakusa ng Kapamilya network sa Kapuso bilang utak sa likod ng dayaan at manipulasyon ng TV ratings sa Bacolod City.

Bukod sa ABS-CBN Broadcasting Network, kasama rin bilang defendants sina dzMM station manager Angelo Palmones; dzMM news manager Alona Magsalas; dzMM reporter Junrie Hidalgo; Showbiz Mismo hosts Jobert Sucaldito and Cristy Fermin; Bandila production head Luchi Cruz Valdez, and Bandila executive producer Boyet Agustin.

Kasama rin sa demanda sina ABS-CBN Legal Department head, Atty. Maximillan Uy; Bandila anchor Korina Sanchez; Entertainment Live and The Buzz production heads Malou Santos and Luis Andrada; Entertainment Live executive producer Lani Gutierrez; The Buzz and Entertainment Live headwriter Romer Gonzales; The Buzz executive producer Nancy Yabut, and The Buzz head writer Ian Reyno.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN