Christian Bautista open for reconciliation with Rachelle Ann Go

IMAGE 0


"I won't deny that the feeling is still there. Kami, we're open toanything. Right now, we're praying na kung ano talaga ang will ni Godpara sa amin, yun ang mangyari," says Christian Bautista about possible reconciliation with ex-girlfriend Rachelle Ann Go.



November last year nang matapos ang magdadalawang taon sanang relasyon nina Christian Bautista at Rachelle Anne Go. Nanggaling ang kumpirmasyon ng breakup ng dalawa sa kampo ni Christian, pero nanatiling tahimik ang dating magkasintahan sa rason ng kanilang paghihiwalay.



Ang magandang nangyari lang ay nanatiling magkaibigan ang dalawa. Ayon kay Christian, he's still open for reconciliation with his ex.



"We're okay now, we're friends," sabi ni Christian sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "I'm not dating anybody. I won't deny that the feeling is still there. Kami, we're open to anything. Right now, we're praying na kung ano talaga ang will ni God para sa amin, yun ang mangyari. We'll never know what's gonna happen in the future as time goes by."

Christian also said that he spent the Holiday season with his family, pero sa kabila nito ay hindi pa rin niya kinalimutang bigyan ng regalo si Rachelle.



"I spent Christmas and New Year with my family, but I texted her. Actually, I gave her a gift, a wallet. Kasi just like I've said, magkaibigan pa rin naman kami ni Rachelle," saad niya.

May lumabas na isyu na marami raw sa mga malalapit kay Christian ang natuwa nang mag-break sila ni Rachelle dahil may ugali raw ang dalaga na madalas sigawan ang binata kahit sa harap ng maraming tao. Nilinaw at ipinagtanggaol agad ni Christian ang ex tungkol sa nasabing isyu.



"Not true," diin niya. "Hindi ko alam kung sino ang mga nagsasabi ng mga lies na ‘yon because we're really affected. Because of that, pinag-usapan namin talaga ‘yan. She never did that to me, Rachelle is such a nice person."

Dahil sa breakup nila ni Rachelle, nabuksan din uli ang gay issue kay Christian, isang bagay na ayon sa singer ay pinagtatawanan at pinagkikibit-balikat na lang niya.



"Sa totoo lang, sanay na sanay na ako sa ganyang mga issues. Immune na ako because dati pang issue ‘yan sa akin. ‘Pag may nagsabing gay ako, ang sagot ko na lang, ‘Ah, okay,'" pahayag ni Christian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Until now ay ayaw pa ring magbigay ng detalye ni Christian sa totoong dahilan ng breakup nila ni Rachelle. He just assured to us na wala talagang third party involved sa kanilang paghihiwalay ni Rachelle.



"I'd rather not talk on what really happened, but I assure you there's no third party involved," sabi niya.

Christian is now busy preparing for his third album and a Valentine's concert at Araneta Coliseum on February 13 entitled All 4 Love, along with Rachelle, Sarah Geronimo, and Erik Santos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN