Rita Avila still not giving up hope to have a child

IMAGE 0


"May dahilan ang Diyos kaya nangyari ang ganoon. Hindi ko namankinuwestiyon ang will Niya. Siya na ang bahala sa amin ng husband ko[FM Reyes]," says Rita Avila about losing her baby.



Nakagamayan na ni Rita Avila ang trabaho at masasabing naka-move on na siya sa pagyao ng sanggol niyang si Jesu. Pero, may time pa rin daw na napapaiyak na lang siya kapag naaalala niya ito.



"Minsan, binuksan ko ulit yung closet niya, bigla akong napaiyak. Sometimes, hindi ko pa rin pala kaya," pag-amin ni Rita sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Malaking tulong kay Rita ang pagsama-sama sa mga kaibigan, ang tuloy-tuloy na pagte-taping ng My Only Love, kung saan nagmamarka ang role niya bilang api-apihan.



"Never pa kasi akong nakaganap talaga ng ganitong role na nuknukan ng kamartiran," natatawang sabi ni Rita tungkol sa kanyang role. "Pero hinihintay rin siyempre ng mga tao kung kailan ako lalaban. May time nga na ipinapakitang kahit paano, kaya kong lumaban, lalo para sa anak ko."



ONSCREEN DAUGHTERS. Ang gumaganap na anak ni Rita sa nabanggit na afternoon soap ng GMA-7 ay si Rhian Ramos, na napapabalitang siyang napipisil ng Kapuso network para gumanap bilang Dyesebel.



"I'm really happy for Rhian," banggit ni Rita. "Kasi mabait 'yan. I never had a problem with her. Nagtataka nga ako kung bakit maraming negative na lumalabas sa kanya. I find her very natural, okay siya.



"Actually, masaya ako dito sa soap na ito dahil gusto ko ang mga katrabaho ko. Sabi nga nila, masuwerte raw akong maging nanay ng mga nagbibida sa GMA-7. I'm also very happy sa success ni Marian Rivera. Anak ko kasi siya sa Marimar, di ba?



"And then, si Rhian naman dito sa My Only Love, balitang siya nga raw ang susunod na Dyesebel. Natutuwa ako dahil kahit paano, nasusuportahan ko sila, and I had the chance of working with them, bago pa lumaki ang mga pangalan nila," sabi ni Rita.



STILL HOPING. So, talagang give-up na siya sa pagkakaroon ng anak sa tunay na buhay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi naman ako naggi-give up, tanggap ko lang kung ano ang ibigay ng Diyos sa akin," paglilinaw niya. "May dahilan ang Diyos kaya nangyari ang ganoon. Hindi ko naman kinuwestiyon ang will Niya. Siya na ang bahala sa amin ng husband ko [FM Reyes].



"Imagine, kahit ganoon, pakiramdam ko, lalo akong minahal ng husband ko. Pinababayaan niya akong magbuhay-dalaga at i-enjoy ang work, kahit hindi ko naman kailangan. May ibang kasiyahan lang talaga para sa akin ang pagtatrabaho," lahad ni Rita.



Nabanggit din ni Rita na isa raw sa dahilan kung bakit hindi siya magbuntis nang maayos ay sa dahilang mataas o irregular ang blood sugar niya.



"Of course, isa lang yun sa considered factors. It must also be because of my age. Medyo may edad na rin ako to really conceive and give birth. Kaya kung sakaling mabuntis ako, talagang magiging mahirap.



"Na-regulate naman ang blood sugar ko, and I'm still taking medicine, para maayos ang health ko. It's not naman a serious problem, pero iba na ang nag-iingat," paliwanag ng aktres.



Ang asawa ni Rita ay ang direktor na si FM Reyes, na siyang namamahala sa Lobo nina Piolo Pascual at Angel Locsin sa ABS-CBN. How come parang magkahiwalay pa sila ng network na pinagtatrabahuan?



"It's not our choice," pakli ng aktres. "Nagkataon lang na nagugustuhan ng Dos ang trabaho ng mister ko. Ako naman, mula nang tulungan ako ni Malou [Choa-Fagar], nagtuloy-tuloy ang projects ko sa Siete.



"Masaya na kami sa ganito. Kung may io-offer ang Dos sa akin in the future, why not? Pero happy ako sa current project ko sa Siete, and after ng participation ko sa Marimar, inilagay nila agad ako sa My Only Love, na markado talaga ang role. Wala akong masasabi pa. Grateful ako sa GMA," pagwawakas ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN