Judy Ann Santos cries over the Gucci bag Ryan gave her last Christmas

IMAGE 0


"Hindi ko ine-expect na magbibigay siya ng ganoong klase ng regalo saakin. Hindi rin kasi siya yung tipo ng tao na naniniwala sa mgamamahaling bags, sa mga grand designer's bag. Parang we find it veryunreasonable to buy," explains Judy Ann Santos about the designer bag that boyfriend Ryan Agoncillo (not in photo) gave her last Christmas.



As of yesterday, January 9, P120 million na raw ang kinikita sa box office ng entry ng Star Cinema sa 2007 Metro Manila Film Festival (MMFF), ang Sakal, Sakali, Saklolo (SSS), making it number one in the box-office race among all entries. Kaya naman wala halos pagsidlan ng saya ang mga bida ng movie na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.



Kagabi, sa presscon cum victory party na ginanap para sa SSS, ipinahayag din nina Juday at Ryan na bukas, January 11, ay lilipad sila patungong Los Angeles para sa screening naman ng movie sa naturang lugar. The following day, January 12, nasa Hawaii naman sila for another screening.



After that, balik Pilipinas na ang magkasintahan. Bakasyon na for Ryan while Juday naman will have a five-day taping para sa bago niyang soap opera sa ABS-CBN opposite Derek Ramsay, Habang May Buhay.



ANOTHER SEQUEL? Hindi na nakakagulat na pagkatapos pa lang ng premiere night noon ng SSS, may nag-suggest kaagad na posibleng magkaroon ng Part 3 ang movie, lalo nga't nag-number one ulit sa takilya ang sequel ng Kasal, Kasali, Kasalo. Pero kung si Judy Ann ang tatanungin, tila ayaw muna raw niya ng Part 3, o ang magkaroon ng festival entry this year.

"Parang sana, gusto ko munang magpahinga," natatawa niyang sabi. "Kahit isang taon lang muna. Kasi very tiring din talaga at very demanding yung schedule ng pagkakaroon ng entry sa filmfest. Pero yun talaga yun, e. Kasama sa package ‘yon na you have to promote the movie every day as much as possible."

Isa pang dahilan, ayon kay Juday, is to give more time for her adopted daughter, Yohan, sa mga okasyong tulad ng Kapaskuhan.

"Since Yohan is growing up already, as much as possible, we want to spend Christmas holidays with her and buy gifts for her cousins na kasama siya. Kasi may isip na yung bata, e. Hinahanap niya na kami kapag Pasko. Hindi na ito yung tipong puwede mong ipagpaliban kasi hindi ka pa nakikilala ng bata," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Last January 5 nga lang daw natuloy yung plano nila ni Ryan na mag-out-of-town kasama ang adopted daughter nilang si Yohan. Pumunta sila sa Ocean Adventures sa Subic. Namalagi sila sa Subic sa loob ng apat na araw.

"Matagal na rin naming binabalak umalis, mag-out of town with Yohan. Kasi nga, gusto namin siyang makakita ng beach. She wanted to see some sand. Maganda, ang sarap, ang saya ng bakasyon kasi walang hassle... Feeling ko nga, mas nag-enjoy pa ako kasi ako yung nakipag-swimming sa mga dolphins, sa mga whales. Parang mas ako yung hindi ko makakalimutan yung moment na ‘yon, kasi first time ko makita si Yohan na hindi takot sa animals. At the same time, nakikita ko siyang tumawa, nakikita ko siyang natutulog... Napapatulog ko siya sa gabi and magkasama kaming nagigising sa umaga. Kumbaga, nanay na nanay ako. Kumpleto ang pamilya namin. Christmas wish granted," mahabang salaysay ni Juday.



PRIVATE SCREENING. During Christmas day naman, masaya ring ikinuwento ni Juday na natuloy ang plano nila ni Ryan na mag-rent ng isang sinehan para sabay-sabay silang manood ng SSS, kasama ang buong pamilya at mga malalapit na kaibigan nila.



"Natuloy ‘yon courtesy of Ayala," sambit ni Juday. "The cinema that Ayala lent us had 191 seats. Our estimate is that there's 240 people inside. So, we would like to thank Star Cinema kasi instead of us paying for the facilities for the cinema, Ayala volunteered. And then, pumayag ang MMDA na magkaroon ng special screening for us. It happened noong 25th ng morning. Usually kasi, December 25 ng tanghali, ang family niya [Ryan] at family ko, nagla-lunch together after watching the movie. So, yun na ang pinaka-bonding namin."

Ayon pa kay Juday, tradisyon na raw sa kanila—especially sa case ni Ryan na even before hindi pa sila—pagdating ng December 25 ay nanonood silang pamilya MMFF entries since they are big fans of MMFF, especially nga naman ngayon na may movie entry pa sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GUCCI BAG. Samantala, magkaiba ang reaction nina Juday at Ryan during the question-and-answer portion nang may magtanong kung ano ang naging Christmas gift nila sa isa't isa. Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Juday, muli namin siyang tinanong kung ano ang meron sa 12 days of Christmas gifts niya sa boyfriend at sa Gucci bag naman na iniregalo sa kanya ni Ryan that made her cry.



"Last year kasi, as early as October, nasa akin na ang regalo niya, hawak ko na. Puwede ko nang ibigay sa kanya. Yung ngayon kasi, naisip ko ang 12 days of Christmas. Kasi habang iniisip ko ang ireregalo ko sa kanya, nalalaman ko through our conversations kung ano lang ang mga little things na gusto niya. Like, gusto niya ng scent na ganito, may Calvin Klein, iba-iba. Kaso, natalo niya ako this Christmas, kaya humanda siya sa Valentine's day!" natatawang sabi ni Juday na tila nagbanta pa kay Ryan, na katabi niya lang.



Pero bakit nga ba may tono ng threat sa magiging gift niya sa Valentine's day?



"E, kasi nga, natalo ako noong Pasko!" tawa ng aktres. "May competition kasi kami. E, wala nga kaming anniversary, so every occasion, we make it a point na may dating yung regalo namin sa isa't isa. Kasi, tatlong beses nga lang kami nagreregaluhan—birthday, Valentine's day, and Christmas day.



Ayon naman kay Ryan, nahihiya pa raw siyang ibigay ang regalo niyang Gucci bag kay Juday dahil para sa kanya, bag lang naman ito. Kaya hindi raw niya inakalang sa regalo niya pa na ‘yon mapapaiyak ang girlfriend sa dami ng mas mamahaling regalo na naibigan niya in the past.



"Alam ko kasi yung presyo!" singit ni Juday. "At hindi ko ine-expect na magbibigay siya ng ganoong klase ng regalo sa akin. Hindi rin kasi siya yung tipo ng tao na naniniwala sa mga mamahaling bags, sa mga grand designer's bag. Parang we find it very unreasonable to buy. Kahit ako rin naman, kaya hindi ako bumibili ng ganoon kamamahal na bag, kasi namamahalan talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi ko kayang gamitin ang bag ko. Hindi ko kayang magbigay ng cash. Hindi ko kayang magbigay ng tseke, ‘tapos sa bag lang mapupunta. Kaya bilib ako sa mga babaeng kayang bumili ng ganoong bag, kasi ako, wala akong guts talaga. Kapag more than P25,000 na ang cost ng bag, hindi mo na talaga ako mapapabili, kasi naiisip ko rin, bag lang ‘yon, ang daming nagugutom at walang makain na tao," paliwanag ni Juday, at idinagdag pa niyang lahat daw ng designer bags niya ay ibinigay or iniregalo lang sa kanya.



PEP also asked Juday kung nagamit na ba niya ang bag na iniregalo sa kanya ni Ryan.



"Ay oo! Hindi ko nga binibitawan! Ngayon ko lang binitawan kasi nasa presscon ako!" natatawa niyang biro.



DREAM HOUSE. Nabanggit din ni Juday na nagpaplano na siyang magpagawa ng kanyang dream house sa taong ito. Ayon sa kanya, kahit paano ay nakaipon na rin daw siya for her dream house.



If ever kaya ay posibleng yun na rin ang maging conjugal house nila ni Ryan?



"Ay, hindi! Toka niya ‘yon, e!" tawa niya. "Siyempre, iba ang dream house ko at iba rin naman ang dream house niya. Siyempre, yung sa akin, yung concern ko lang naman doon, gusto ko lang talagang ma-build yung dream house ko even before kaming magpakasal. Magawa ko yung gusto ko talagang bahay."



Ano ba yung dream house niyang ‘yon?

"Kitchen lang! Mga ilang floors yun. Yung isang floor, puro kaldero!" biro niya.

But seriously, dream house niya raw talaga ang may bonggang-bonggang kitchen at malaking garden para naman sa request ng mommy niya at sa kanyang anak na si Yohan.



Sabi pa ni Juday, if ever ay sa Quezon City pa rin siya maghahanap ng lote at malamang ay sa may Ayala Heights sa may Katipunan dahil kid-friendly raw ang naturang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Idinagdag din ni Juday na wala raw sa plano nilang mag-boyfriend na magpatayo ng bahay para sa kanilang dalawa habang hindi pa kasal.



"Ano yun, e, para sa kanya [Ryan], jinx yun e. Baka aniya, mabati. Kaya hindi rin kami nagnenegosyo na magkasosyo or bumibili ng property na nasa pareho naming pangalan," paliwanag niya.



What about with joint account?



"Ah, hindi! Pera ko, pera ko. Pera niya, pera niya! Or pera ko, pera ko, pera niya, pera ko!" biro uli ni Juday habang tawa nang tawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN