Ronnie Liang stages his birthday concert on February 2

IMAGE 0


Pinoy Dream Academy graduate Ronnie Liang will hold his birthday concert on February 2 at Metro Bar, West Ave., Quezon City. One of Ronnie's wishes is to be part of a teleserye.



Malaking karangalan para sa ex-Pinoy Dream Academy scholar na si Ronnie Liang ang makasama sa concert ang Asia's Nightingale na si Lani Misalucha. Isa sa mga guests ni Lani si Ronnie sa concert nito na ginanap pagkatapos ng 2007 Metro Manila Film Festival Awards Night noong January 5 sa SMX Convention Center.



"Hindi siya matakaw sa honor. Talagang nung kumanta kami nina Christian [Bautista] at Gian [Magdangal] sa stage, every now and then, kapag nakikita niya kami, ina-acknowledge niya kami onstage. Kinabukasan [January 6], nasa ASAP ‘08 din siya. Niyakap niya ako ‘tapos nag-thank you ako sa kanya sa pag-guest niya sa akin sa concert niya," pahayag ni Ronnie sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon para sa kanyang first major concert, titled A Date With A Prince, na gaganapin sa February 2 sa Metro Bar, West Ave, Quezon City.

Ang concert ni Ronnie sa February 2 ay magsisilbing birthday concert na rin para sa kanya. He'll be turning 23 on January 31. Isa sa mga wish niya ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng kanyang first major concert.



"Mag-a la-Ricky Martin, Enrique Eglesias, Michael Buble po ako sa ibang production number. Makakasama ko rin sa show si Jed Madela na co-artist ko sa Universal Records at co-PDA ko rin na sina Jay-R Siaboc, Panky Trinidad, Geoff Taylor, RJ Jimenez, at si Yeng Constantino. May surprise guest din daw po, pero hindi ko alam kung sino," lahad ni Ronnie.



Kasama rin sa birthday wish ni Ronnie ang magkaroon ng teleserye this year sa ABS-CBN.



"Opo, yun po talaga ang pinakagusto ko noon—ang umarte. ‘Tapos napunta ako sa pagkanta. Hanggang ngayon, gusto ko pa ring umarte," pag-amin ng singer.

Last Christmas ay naging masaya si Ronnie dahil sa kakaibang pangyayari ngayon sa buhay niya at ng kanyang pamilya. This time, nakabili siya ng regalo at namigay ng pera sa mga kamag-anak. Hindi raw tulad ng dati na kapag may may kumakatok sa bahay nila, kinakabahan siya dahil baka any moment ay palayasin sila sa loteng nakasangla at kinatitirikan ng kanilang bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Masaya niyang ibinalita sa amin na may malaking lote na siyang nabili na kinita niya mula nung maging scholar siya sa Pinoy Dream Academy.



"Nakabili na ako ng 400 sq.m lot sa Angeles, Pampanga, malapit lang po doon sa aming tinitirhan ngayon. Worth one million po ang lot na binayaran ko ng cash. Mahirap po kasi na may utang," saad ni Ronnie.

Maganda ang pasok ng 2008 para kay Ronnie. Regular pa rin siyang napapanood every Sunday sa ASAP, na bukod sa pag-awit ay isa na rin siya sa mga naghu-host ng show with Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Sam Milby, among others.



Balak din niyang magtayo ng negosyo kung saan ay sisimulan na niya ang isang Belgian Waffle store, na isa sa premyo niya sa PDA, malapit sa Holy Angel University sa Angeles. Balak din niyang lagyan ito ng Internet café at tindahan ng prepaid cards.

Sa kabila ng tinatamasa niyang tagumpay, tila malamlam naman ang lovelife ni Ronnie. Marami ang hindi makapaniwala na wala siyang girlfriend ngayon.

"Opo, wala talaga," giit niya. "Pero siyempre, alam n'yo naman, showbiz, work muna. Pero marami rin naman akong nagugustuhan na nakakasama sa trabaho."



Puwede ba siyang magbanggit kahit isa?



"Sila ano po...mga nakakasama ko sa ASAP. Ayoko po sanang mag-mention, e, pero ina-admire ko talaga sa music and showbiz industry si Nikki Gil. Unang-una, mabait po si Nikki. Pangalawa, tan po yung kulay niya. Hindi siya masyadong maputi. Pinay na Pinay. ‘Tsaka yung boses niya, easy listening. Malamig ang boses niya."



Alam ba ni Nikki na type siya ni Ronnie?



"Hindi po ‘ata. Kapag isinulat ninyo, malalaman pa lang niya!" natatawang sabi ng binata.



Nag-request din daw ni Ronnie na maka-duet sa kanyang album si Nikki.



"Nag-request ako. Pumayag naman sila and open naman yung... EMI Records po kasi siya. Pumayag naman po. Nag-duet kami sa third single sa album ko titled ‘Ang Aking Awitin.' Ilu-launch ‘yon sa ASAP. Revival po yun," sabi ni Ronnie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Libre ba naman kaya si Nikki na ligawan niya?



"Naririnig ko po parang hindi 'ata. Pero hangga't hindi pa sila kasal, kahit papaano nandito lang ako. Pero kung wala, okay lang po. Pero alam n'yo po ang showbiz, bago muna ako mag-ano, gusto ko meron muna akong pundasyon," pagtatapos ni Ronnie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN