Claudine Barretto talks warmly about sisters Gretchen and Marjorie

IMAGE 0


"To be honest, di ko na ma-remember yung nangyaring gulo dati. Parang wala lang, wala na, dumaan lang. ‘Pagmagkakasama kami, ganun pa rin, matatakaw pa rin kami, madadaldal parin," says Claudine Barretto about sisters Gretchen (inset, top) and Marjorie (inset, bottom).



Noong nakaraang taon, natuldukan na ang alitan sa pagitan ng Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine. Lumala at lumalim dahil na rin sa iba't ibang bersyon ng mga kuwentong lumabas, pero tulad ng kasabihang mas matimbang ang dugo kaysa tubig, ang lahat ay bahagi na lamang ng nakaraan para sa Barretto clan.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Claudine noong January 6 sa pictorial ng Maligno, isa sa mga bagong shows ng ABS-CBN, masayang ikinuwento ng aktres kung paano nabalik ang closeness nila ng Ate Gretchen niya.



"To be honest, di ko na ma-remember yung nangyaring gulo dati," panimula ni Claudine. "Parang wala lang, wala na, dumaan lang. ‘Pag magkakasama kami, ganun pa rin, matatakaw pa rin kami, madadaldal pa rin.

"Ngayon, nakilala na siya [Gretchen] ng kids ko. Sabina sobrang adores her, tawag niya, ‘My Gretchen.' Sobrang love na love niya si Gretch. Si Dominique [Gretchen's daughter], pumupunta siya sa bahay, nagpi-pizza kami."

According to Claudine, Gretchen did not celebrate Christmas and New Year with her and their family. Gretchen was with their Ate Guia in Boston, kung saan nagpagamot ang partner nitong si Tonyboy Cojuangco.

Naikuwento rin ni Claudine kung paano nila pinagtawanan ni Gretchen ang lumabas na isyu noon na hiwalay na raw ang huli kay Tonyboy.

"Alam mo, funny ‘yang balita na ‘yan kasi nung day na lumabas ‘yan, we were in Serendra, kami ng Ate ko. Nag-lunch date kami ni Gretchen and we were laughing. Sobrang funny kasi out of the blue, biglang sumulpot kaya ganun din kabilis namatay yung isyu.



"Kung mayroon mang time na dapat nangyari ‘yon, I think it would have happened nung time na lumabas yung pics nila ni John Estrada. Pero now, it's funny. After Christmas nga, we had dinner pa together, sila ni Tonyboy," lahad ni Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARJORIE-ECHIVERRI ISSUE. Isa pang di mamatay-matay na issue ay ang balitang may relasyon diumano ang isa pang kapatid ni Claudine na si Marjorie kay Caloocan City Mayor Recom Echiverri. Ayon sa mga intriga, si Mayor Echiverri raw ang ipinalit ni Marjorie sa asawang si Dennis Padilla.



Kuwento ni Claudine, "We spent Christmas and New Year with him [Dennis], kasama namin sila. Nung pre-New Year vacation namin in Subic, nandun din si Kuya Dennis. Ako, one of my faith goals this year ay maayos nila ang pagsasama nila [ni Marjorie].



"Regarding Mayor Recom," patuloy niya, "I only met him siguro ilang beses lang because of the election and after the election, I got to meet him again because of the victory party of Marjorie. Wala akong masabi sa kanya because di ko siya kilala in a personal level. Pero sabi ko nga, it has to stop somewhere kasi di mamatay-matay yung issue.

"I told Marjorie and also sent a message to Mayor Recom that I want to talk to him to clear things up. I think it's also good if he talks. Naiintindihan ko kung kami ang nagsasalita kasi taga-industriya kami. Pero ang politics, kakunektado siya ng showbiz. Sana may magtanong sa kanya para masagot niya ‘yan."

FAMILY MATTERS. Ang Maligno ang hudyat ng pagbabalik-telebisyon ni Claudine. Ikinuwento sa amin ng aktres na nagkaroon siya ng kaba nang una siyang sumalang uli sa camera. As wife and mom ay marami rin siyang adjustments na ginawa, same thing with her husband, Raymart Santiago.



"Nag-a-adjust kami ni Raymert because we're both working now," sabi ni Claudine. "Nung first day ko last Saturday [January 5], I thank God because nalagpasan ko. I was really worried on the first day of going back to work. Dinalaw ako ng kids [Sabina and Santino], and Raymart assured to me naman na kahit saan ang location ko, pupuntahan nila ako. They have their own car and driver, so any time puwede. He's really supportive and nag-a-adjust talaga siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inang-ina na nagkuwento si Claudine sa PEP na bukod sa pagdating ni Santino sa buhay nila, isang espesyal na Christmas gift din ang natanggap nilang mag-asawa. Ito ay ang adoption papers ni Sabina, na isa nang Santiago ngayon.



"Last Christmas was sobrang fun, first Christmas with Santino. Right before Christmas, parang second week of December, nakuha na namin yung adoption papers ni Sabina—a wonderful Christmas gift from God. Now, she's a Santiago, hindi na siya na siya Barretto, naayos na ang lahat.

"Last June nung i-file namin yung adoption papers. Siguro mabilis yung sa amin, kasi alam naman nila since day one yung status with Raymart already," pagtatapos ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN