Three more witnesses on ratings anomaly approach ABS-CBN

IMAGE 0


Witnesses from Cebu, Davao, and Bacolod, whose homes have the AGB Nielsen panels, claimthey were offered some grocery items, give-aways, and payment for electric billjust to switch to GMA-7.


Ilan pang mga witnesses ang lumapit sa ABS-CBN upang lumantad dinukol sa diumano'y nangyayaring dayaan sa TV ratings.

Sa TV Patrol kagabi, January 12, ipinakita ang tatlopang sinasabing testigo na dumulog sa kani-kanilang mga istasyon sa Cebu, Davao, atIloilo upang ikuwento ang partisipasyon nila sa sinasabing anomalya saratings. Subalit nakiusap ang tatlongwitness na huwag ipakita ang kanilang mga mukha bilang proteksyon sa kanilangmga pamilya.

"ANNA" IN DAVAO. Ayon sa pahayag ni Anna (hindi tunay na pangalan),October 26 nang makitira siya sa kanyang tiyahin sa Davao. Napansin daw niya na parang may isang maliitna radyong nakakabit sa TV—ang metering device ng AGB Nielsen.

Sinabi raw ng kanyang tiya na kailangan tutukan nila angkanilang panonood ng GMA bilang kapalit ng grocery items na galing sa nasabingnetwork. Tuwing katapusan daw ng buwannagpupunta ang isang grupo ng mga babae upang magdala ng grocery items.

Kuwento pa Anna sa wikang Bisaya, "May nagpupunta sa amin namalalaking babae, 'tapos sabi ng auntie ko, ‘Ilagay mo sa GMA.' Kuwentuhan sila mga 30 minutes, nagbibigaysiya ng mga delata. Pag-alis nila,balik na kami sa [ABS-CBN]. 'Tapos nagtatanong ako, ‘Bakit?' Ganun daw, ‘Yun ang kapalit sa ibinibigay saatin. 'Nood tayo ng ano nila, GMA.'"

"AUNTIE" FROM ILOILO. Iba naman ang kuwento ni Auntie (hindi tunay na pangalan) namula sa Iloilo. Kalahati ng pambayad sakanyang electric bill ang alok ng mga umano'y empleyado ng GMA, kapalit ngpanonood niya ng programa sa GMA-7.

Sa wikang Bisaya, sinabi ni Auntie, "'Tapos sabi pa nila,kung lilipat ako sa GMA inalok nila ako ng kalahati ng aking bill sa Panayelectric company, sila ang magbabayad. Kung P1,000 ang bill, bibigyan nila ako ng P500 kada buwan 'yan.

"Oo ilang beses sila bumalik dito. Halos kada buwan nagbabalik sila dito para makumbinsi nila akokasi ayaw ko ng GMA, hindi ko gusto ng GMA. Patuloy silang bumabalik at dinadalhan ako ng groceries at kahit hindiko tanggapin, iniiwan nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinegundahan din ng ikalawang testigo na taga-GMA ang mganag-alok sa kanya. Aniya, "GMA, kasimayroon silang ID na pinapakita at may folder din sila. At may pinapapirmahan din sila sa pagbigay nilang gift. Ang ID may logo talaga ngGMA."

Dagdag pa ni Auntie, nag-iiwan din daw ng give-aways tuladng payong, tuwalya, at baso ang dalawang tao ng GMA.

WITNESS FROM CEBU. Samantala, kung ang dalawang naunang testigo ay nilapitan ngumano'y nagpakilalang empleyado ng GMA, mga tauhan naman daw ng AGB Nielsenang nagkumbinsi sa ikatlong witness na mula sa Cebu na magpakabit ng meteringdevice ng AGB Nielsen.

Ayon sa kanya, "Ini-encourage niya kami na subukan ang Siyete, namanood sa GMA. Nag-promise sila nakapag na-install na, bibigyan kami ng appliances at P500 plus monthly. Pero sabi nila, kung puwede karamihan sapanonoorin namin ay GMA talaga."

Dagdag pa ng ikatlong witness, sinita pa niya ang kanyangkakilala sa pagdidikta ng panonooringistasyon dahil dapat daw ay walang pinapanigan ang AGB Nielsen.

Patuloy pa niyang kuwento sa wikang Bisaya, "Sabi ko sakanila, ‘Siguro taga-Siyete kayo.' Ang sabi nila, Nielsen daw sila. Ang sabi ko, ‘Klaro na ang style niyo ayinuutusan talaga kayo ng Siyete.' Sabiniya, ‘Hindi. Tingnan mo pa yung papersnamin, o, AGB Nielsen.' Sabi ko,‘Talagang duda ako sa inyo na taga-GMA talaga kayo dahil ini-insist niyo na GMAlang ang panoorin.'"

Dahil sa mga pangyayaring ito, hindi na diumano naniniwalaang mga lumantad na mga witness sa TV ratings.

Ayon kay Mark Dumago, unang witness na pumayag magpakita satelebisyon noong Biyernes, January 11, "Kami na nga mismo ang ni-hire nila para magmanipula ng ratings,para dayain, at para tumaas ang ratings. Kaya napatunayan ko na kayang-kaya manipulahin ang ratings. Hindi na ako naniniwala sa ratings kasi 'yan, kayang-kayanaman manipulahin ng kahit na sino kapag gugustuhin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinagot kaagad ng GMA-7 ang alegasyon ni Dumago noong araw ding iyon. Kaya bago pa man lumabas ang tatlong diumano'ymiyembro ng AGB Nielsen home panels na nabayaran, nauna namang itinanggi ngGMA Network na nag-hire sila ng mga tao upang manipulahin ang ratings sa Bacolodat ibang lugar sa Visayas at Mindanao.

Hinamon rin ni Atty. Felipe Gozon na patunayan nalamang ng mga sinasabing witnesses ang kanilang mga pahayag sa korte upangmalaman kung sino ang nagsasabi ng totoo at sino ang nagbibigay lamang ngmalisyosong pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN