Rhian Ramos defends leading man Mark Herras from criticisms

IMAGE 0


"Kilala ko si Mark na hindi siya gano'n... He's very gentleman. Walapa naman akong nae-experience na naging ungentleman siya sa akin," says Rhian Ramos about My Only Love leading man Mark Herras.



Kahit nadadawit sa hiwalayan issue nina Mark Herras at Lian Paz ng all-girl dance group na EB Babes, nagpahayag pa rin ng kanyang suporta si Rhian Ramos sa leading man niya sa My Only Love.

Mas marami kasi ngayon ang nakikisimpatiya kay Lian matapos nitong isiwalat na "ibinasura" na lang siya ni Mark nang makipag-break ito sa kanya sa pamamagitan ng text message. Maraming mga kababaihan ang naaawa kay Lian dahil sa naging trato diumano sa kanya ni Mark. Marami rin ang nagalit at nagsabi ng kung anu-anong foul words laban kay Mark sa mga website forum—gaya ng "bastos," "bakla," "babaero," "user," at kung anu-ano pang masasakit na salita.

Kinaawaan ni Rhian si Mark dahil sa mga naririnig niyang negative comments tungkol sa young actor kaya hindi napigilan ng young actress na damayan ang binata.

"Naawa ako kay Mark," sambit ni Rhian sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kilala ko si Mark na hindi siya gano'n. Basing from my own experience, kasi nga magkasama kami sa isang show, hindi siya gano'n gaya ng mga sinasabi ng mga tao sa kanya. Mabait siya sa lahat, hindi lang sa akin kundi pati sa lahat ng staff namin and crew. He's very gentleman. Wala pa naman akong nae-experience na naging ungentleman siya sa akin."

Nililinaw ni Rhian na hindi niya kinukontra ang anumang statement o testimony ni Lian tungkol sa karanasan ng huli kay Mark.

"Yung sa kanila ni Lian, may sarili silang story. Hindi ako kasali sa kanila. Hindi ko rin siya kinu-contradict or hindi ko sinu-sway yung iba na maniwala sa akin. Ang sa akin lang, based from what I experienced with Mark bilang kasama sa trabaho. Personal view ko lang ito na hindi siya playboy, hindi siya ungentleman. Kung ano yung nangyari sa kanila ni Lian, sa kanila ‘yon," paliwanag ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakilala at nakausap na rin daw ni Rhian si Lian nang mag-birthday concert si Mark last December sa Music Museum. Pareho silang guests ni Lian sa show.

"Okay naman si Lian when I met her," sabi niya. "Ipinakilala kami ni Mark sa isa't isa. Kakanta kasi ako that time. Nasa backstage siya nun. Binibiro ko nga siya, sabi ko, ‘Huwag kang magseselos sa amin ni Mark, trabaho lang ‘yon. Sinasabi naman niya na okay lang ‘yon. Alam naman daw niya.

"She was nice. She's okay. Mabait naman siya. Kaya ‘pag tinatanong ako about her, yun lang ang masasabi ko kasi yun ang nakita at nakilala ko sa kanya," kuwento ni Rhian.

Tiniyak ni Rhian na hindi magkakaroon ng personal angle ang working relationship nila ni Mark dahil mas gusto raw niyang maging kaibigan ang young actor kesa maging boyfriend. Isa pa, hindi pa raw siya pinapayagan ng Mommy niya na magpaligaw dahil hindi pa siya 18 years old.

Pinabulaanan din ni Rhian ang napabalitang panliligaw diumano ni Mark sa nakatatandang kapatid niyang si Nadine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN