Melissa Ricks celebrates 18th birthday with orphans in Bulacan

IMAGE 0


"Ayoko naman kasing sayangin lahat ng pinaghirapan ko sa isang party lang. I'd rather give it to the people na nangangailangan," says young actress Melissa Ricks about her decision to celebrate her debut simply.



Dumalo ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa 18th birthday celebration ng young actress na si Melissa Ricks na ginanap noong Linggo, January 13, sa Packo's Grill sa Sgt. Esguerra, Quezon City.

Ilan sa mga naging bisita ni Melissa ang mga kasamahan niya sa ASAP '08 na sina Gerald Anderson, Kim Chiu, Rayver Cruz, at ang ka-loveteam niya na si Matt Evans. Namataan din ng PEP sina Joross Gamboa, Kitkat, at Arron Villaflor.

Present din sa okasyon, of course, ang buong pamilya ni Melissa, ang kanyang Tita Mina na tumatayo ring personal manager niya, ang ilan sa handlers ng ABS-CBN Star Magic, at ang kanyang mga tagahanga.

Noong January 9 ang talagang birthday ni Melissa. Sa Bethlehem orphanage sa Baliwag, Bulacan, siya nag-celebrate sa piling ng mga batang kapus-palad. Kasama niya roon ang best friend niyang si Kitkat.

"Namigay kami ng food sa mga bata, ‘tapos nagpa-raffle kami, may konting kantahan. Ganun," kuwento ni Melissa.

"Nung gabi naman, nagpunta kami sa Punchline. Nag-treat sa akin si Ate Kitkat. Dumating doon sina Joseph [Bitangcol], Raphael [Martinez], Jay-R [Siaboc], Irish [Fullerton], at Kim."

Hindi lang pala ito ang first time ni Melissa na nag-celebrate ng birthday sa isang orphanage.

"Every birthday ko, nagtsa-charity [work] actually ako. Kaya lang, hindi ko na yun ipinamamalita. Ayoko naman kasi na gagawa ako ng isang magandang bagay o tutulong ako, ‘tapos ipamamalita ko. Parang ang pangit naman ng ganun, di ba? Saka baka isipin pa ng ibang mga tao, nagpapa-impress lang ako," lahad ni Melissa.

Kung ang karamihan ng young actresses ay nagkakaroon ng engrandeng selebrasyon 'pag sumasapit ang kanilang debut, mas pinili ni Melissa na maging simple lang ang kanyang celebration.

Paliwang niya, "Ayoko naman kasing sayangin lahat ng pinaghirapan ko sa isang party lang. I'd rather give it to the people na nangangailangan."

Ano naman ang regalo sa kanya ni Matt?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dalawang blouse ang ibinigay niya sa akin. Pero yung isa, galing daw kay Olyn [Membian, Matt's girlfriend]," sabi ng dalaga.

Ano naman ang reaksiyon ni Melissa sa sinabi noon ni Matt sa isang interview na kung wala lang daw si Olyn sa buhay niya ay posible siyang ma-in love kay Melissa?

"Sinabi niya talaga 'yon? Wow! Yun lang ang masasabi ko!" natatawang sagot ni Melissa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN