Rufa Mae Quinto completes seven-day fasting for physical cleansing

IMAGE 0


"Ginagawa ko ito for spiritual reasons. Practice namin ito saVictory Fellowship, where I'm a member. Kapag may gusto kangipagpasalamat, idaraan mo 'yon sa fasting. Yung physical cleansing,tumatagos 'yon sa soul, sa spiritual," explains Rufa Mae Quinto about her fasting.



Papasok na sa kanyang seventh and final day of fasting si Rufa Mae Quinto ngayong araw na ito, January 15. Nang maabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sexy comedienne sa taping ng Bubble Gang sa Filmex Studios sa Makati City, a small cup of coffee lang ang iniinom niya. Puro liquid intake nga raw siya for seven days.



"Wala talagang solid, puro liquid lang," sabi ni Rufa Mae. "Ginagawa ko ito for spiritual reasons. Practice namin ito sa Victory Fellowship, where I'm a member. Kapag may gusto kang ipagpasalamat, idaraan mo 'yon sa fasting. Yung physical cleansing, tumatagos 'yon sa soul, sa spiritual."



Nahiya bigla si Rufa Mae sa pinagsasabi niya. Matagal na raw siyang miyembro ng Victory Fellowship, pero hindi siya ang tipong ipinamamalita pa ito.



"Masaya lang ako, dahil sunud-sunod ang blessings na dumarating," paliwanag ng sexy comedienne. "Tatlong magkakasunod na pelikula ko ang kumita nang husto, kaya dapat lang, I have to give back something in return.



"Naisip ko lang, dapat na maging good example din ako. Naku, baka isipin nagpapaka-ambassadress ako ng fellowship, huh! Really, I'm just happy to share this joy," nangingiting dugtong niya.



Hindi nga pakalat-kalat si Rufa Mae sa Filmex dahil, ayon sa kanya, mahilig kumain ang mga kasama niya.

"Naiinggit ako, e, masisira ang fasting ko," natatawa niyang sabi.



Bigla rin daw na-miss ni Rufa Mae ang co-star niya dati sa Bubble Gang na si Ara Mina. On leave daw si Ara sa naturang gag show ng GMA-7 dahil sa commitment nito sa ABS-CBN, ang Prinsesa ng Banyera.



"E, kasi 'yon, walang fasting-fasting dun!" natatawang sabi ni Rufa Mae. "Ang gusto ni Hazel [palayaw ni Ara], kain ako nang kain dahil payat daw ako. Nalulungkot ako kung minsan, wala akong partner in crime dito."

Na-realize nga ni Rufa Mae na nagkakalipatan na ng TV networks ang mga artista. Pero naiintindihan daw niya ang rason ni Ara sa naging desisyon nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Freelancer naman siya, at naghahanap lang siya ng trabaho," paliwanag ni Rufa Mae. "Kung okay siya sa Dos, walang problema. Minsan kasi, iisipin mo rin, mag-iba ka ng set-up para makatrabaho mo rin yung ibang hindi mo pa nakakasama."



At least, sa parte ni Rufa Mae ay nagagawa niyang makatrabaho ang mga artista ng ABS-CBN sa pelikula. Sa tatlong nakaraang pelikula niya—Apat Dapat, Dapat Apat, Pasukob, at Desperadas—nagkaroon siya ng chance na makatrabaho ang ibang artistang identified sa Dos, gaya nina Ai-Ai delas Alas, Ruffa Gutierrez, Eugene Domingo, at Pokwang.



"Naibabalanse ko na lang sa ganoong paraan, at masaya rin naman ako sa Siete. Okay na muna ako sa ganito," pahayag ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN