Polo Ravales denies dating Lian Paz while she was still with Mark Herras

IMAGE 0


"Kaya kami ni Lian, magkaibigan lang kami. Alam ko na makakayanan niya ang pinagdaraanan niya ngayon," says Polo Ravales about Lian Paz (inset).




Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sexy actor na si Polo Ravales sa press conference ng bagong Sine Novela ng GMA-7, ang Maging Akin Ka Lamang, kung totoo bang niligawan niya si EB Babe Lian Paz habang karelasyon pa nito ang ngayo'y ex-boyfriend na si Mark Herras.



Natawa lang si Polo dahil may bago na namang naiuugnay na babae sa kanya.



"Lahat na lang ba ili-link sa akin?" sabay tawa ni Polo. "Nagulat ako nang may magsabi sa akin na naging kami raw ni Lian. That's not true kasi magkakilala lang kami. Hindi ko naging girlfriend or niligawan man si Lian."

Matatandaan na umupo si Lian sa Central Jury ng Showbiz Central last Sunday, January 13, at sinagot niya ang "Killer Question" para sa kanya: "Totoo bangnoong kayo pa ni Mark, lihim ka ring nakikipag-date kay Polo Ravales?"

Sagot ni Lian, "No, I never dated Polo."



Kuwento naman ni Polo, twice daw kasi silang nagkasabay ni Lian sa Embassy Bar. Kasama ni Polo ang mga barkada niya samantalang si Lian ay kasama ang mga kaibigan niya



"Kilala ko naman si Lian at pati na mga friends niya," sabi ni Polo. "Minsan nakiki-table ako sa kanila para makipagkuwentuhan. Pero hindi kami nagde-date. Akala lang siguro ng mga nakakita kasi twice na nga kaming nagkasabay sa Embassy Bar."



Hindi raw ugali ni Polo ang manligaw ng babae na may boyfriend na. Wala raw siyang ugaling ahas.



"Alam ko naman na sila ni Mark kaya hindi ako poporma," diin ni Polo. "Wala akong naging record na nanligaw ng babaeng may karelasyon na iba. Lalo na kung kaibigan ko pa yung boyfriend. Napaka-walanghiya ko naman nun, di ba?



Dagdag niya, "Kaya kami ni Lian, magkaibigan lang kami. Alam ko na makakayanan niya ang pinagdaraanan niya ngayon."



RIZA SANTOS. Tinanong din namin si Polo kung ano ang feeling niya sa dating na-link sa kanya na si Riza Santos. Naging second Big Winner ang beauty queen sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Happy ako for her kasi mabait naman talaga ‘yang si Riza. Hindi nga ba't close sila ng sister kong si Ashley [Gruenberg]? ‘Tapos natsismis pa kami bago siya nag-Po. Nahihiya nga ako sa kanya kasi natsismis kami. Pero sana ay maging maganda na ang takbo ng career niya. She deserves a big break," pagtatapos ni Polo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN