Mark Herras's father denies Lian Paz's claim that he caused breakup

IMAGE 0


Mr. Jun Herras (not in photo), the father of Mark Herras, explains to PEP that he did not meddle with his son's love affair with EB Babe member Lian Paz.



Sa hiwalayang Mark Herras at Lian Paz ay dawit ang pangalan ng ama-amahan ng young actor na si Mr. Jun Herras. Ayon kasi sa naging pahayag ni Lian, isa raw sa naging dahilan ng breakup nila ni Mark ay nang iparating ni Mr. Herras kay Mark na nakita niya si Lian na may kasamang isang basketball player, na pinaniwalaan naman daw ni Mark.

Nag-text ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mr. Herras kahapon, January 15, para kunin ang kanyang reaksiyon sa sinabi ni Lian tungkol sa kanya. Narito ang mahabang sagot ng ama-amahan ni Mark sa pamamagitan ng text:

"Actually, nabasa ko yung sinabi ni Lian tungkol sa akin. Wala akong sinabi na ganun kay Mark. Hindi ako nakikialam pagdating sa lovelife niya. Siya naman ang makikisama, di ba?

"Sabi nga sa akin ni Mark, huwag na lang daw akong mag-react sa mga nababasa ko. May nagsabi nga sa akin na nakita nga raw niya si Lian diyan sa Timog sa Pacific Islander kasama yung ibang EB Babes, at si Lian may kasamang ibang lalaki. E, yun ba sinabi ko kay Mark? Hindi, kasi malay ko kung totoo yun kasi hindi naman nakita ng dalawa kong mata.

"Kilala ninyo ako, magbi-Bingo na lang ako kesa pakialaman pa ang lovelife ni Mark. Basta ako, focus lang ako kay Mark. Malaki na siya. Basta ang sinasabi ko na lang sa kanya, ingat siya parati and be a good boy always. Yun lang.

"Kung nakikialam ako sa kanila ni Lian, dapat alam ko ang cell phone ni Lian? Dapat kung alam ko ang cell phone number niya, tinawagan ko na siya para matanong kung ano ang nangyari sa kanila ni Mark. 'Tapos ngayon ako pa ang sinasabi niyang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Mark. Grabe naman siya. Bahala siya. Tahimik na lang ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN