Willie Revillame and Cristine Reyes are reportedly an item now

IMAGE 0


Despite denying that they are into a relationship, Willie Revillame and Cristine Reyes are reportedly a couple now, according to some witnesses. The comedian-TV host is also spotted visiting the young actress' shooting.



Marami na ang nagsulat tungkol sa diumano'y totoong situwasyon ngayon ng Wowowee host na si Willie Revillame at ng StarStruck 1 Avenger na si Cristine Reyes.

Sa mga hindi nakakaalam, unang nagkita sina Willie at Cristine sa dressing room ng ABS-CBN nang magtago noon ang young actress sa presscon ng mismong launching movie niya na Green Paradise. Nagkataong nasa ABS-CBN noon si Ara for her special guest co-hosting sa Wowowee at doon nagkakilala sina Willie at Cristine.

Noong nagpunta sa Guam ang Wowowee, isinama ni Ara si Cristine para makapagbakasyon daw ito. Nag-promise ang StarStruck Avenger na hindi siya lalabas sa ABS-CBN noontime show dahil may exclusive contract siya sa GMA-7, pero nagpakita pa rin si Cristine at kumanta pa with Willie.

Dito nagsimula ang usapang sina Cristine at Willie na, ngunit parehong sinabi ng dalawa na wala itong katotohanan at magkaibigan lang sila.

Mula sa www.pinoyexchange.com, isang PeXer (tawag sa mga nagla-log in sa Internet site na ito) ang nagbalita sa amin na ka-officemate niya ang half-sister ni Willie, who in turn is confirming the relationship between the comedian-TV host and Cristine.

Tumawag kami sa isang malapit kay Willie para itanong kung may kapatid nga itong babae dahil sa pagkakaalam namin, puro lalaki ang kapatid ng Wowowee host. Noong una, ang pagkakaalam din ng kausap namin, walang half-sister si Willie ngunit tumawag ulit siya para i-korek na mayroon daw pala sa side ng ina nito. Ang siste lang, matagal raw na walang communication ang magkapatid.

Kaugnay nito, isang production staff ng Ate—ang first produced movie ni Ara, and starring with her sister Cristine, directed by Lore Reyes and Peque Gallaga—ang nagtimbre sa amin na regular na dumadalaw si Willie sa set ng pelikula.

Puwede naman daw sabihing si Ara ang binibisita ni Willie dahil magkasama sila sa Wowowee ngunit sabi sa amin, si Cristine daw talaga ang binabantayan ni Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN