Jake Cuenca says he works hard for whatever projects given to him

IMAGE 0


"Gusto ko na lang din pong isipin ng mga tao na nakukuha ko ang mgaprojects na ito dahil deserving naman po ako. Yun nga po, my workspeaks for itself naman po," reasons Jake Cuenca about all the big breaks coming to his way.



Aware ang young actor na si Jake Cuenca na kakambal ng mga intriga ang magagandang opportunities na dumarating sa kanya ngayon in terms of his career magmula nang lumipat siya sa ABS-CBN.

Siyempre pa, since Jake is portraying the lead role in Palos, ang bagong primetime series ng ABS-CBN, may mga nang-iintriga na ang lahat daw ng ito ay dahil may malakas siyang kapit sa loob ng Kapamilya network. Pero tila expected na nga ni Jake ang mga ganitong intriga kaya kaswal na lang din niyang nasasagot.

Ayon kay Jake, "Well, yun nga po, kung aware raw ako dahil okay raw ang kapit ko sa ABS, na kesyo may gay benefactor daw po... Ang sa akin na lang po, siguro naman, my work speaks for itself. Kung ano naman po ang ginawa ko sa Natutulog Ba Ang Diyos, Sana Maulit Muli, Pedro Penduko, parang dahil sa mga proyektong ‘yon kaya nakuha ko ito.

"Gusto ko na lang din pong isipin ng mga tao na nakukuha ko ang mga projects na ito dahil deserving naman po ako. Yun nga po, my work speaks for itself naman po," giit niya.

Sinabi rin ni Jake na bagama't aware din ang pamilya niya sa mga intriga sa kanya, mas lamang daw ang pagkakakilala ng mga ito sa kanya kesa magpa-apekto rin sa mga isyu.

"Kilala naman po ako ng pamilya ko," sabi ni Jake. "Pangalawa, kilala ko rin naman po ang sarili ko. At the same time, ang tsismis naman po, hindi naman ako naba-bother kasi hindi naman ako pikon. So, okay lang. Ganoon lang naman po talaga ‘yan. Kasama po talaga sa trabaho."

ROXANNE GUINOO. Since the last time na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jake, halos wala pa ring nabago sa mga sagot niya when it comes to Roxanne Guinoo at sa status ng relationship nila. Hindi pa rin niya direktang masabi kung break na nga ba sila or sila pa rin, and yet, sinabi niya na wala lang silang commitment ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay po kami!" tawa niya. "Magkasama pa rin naman po kami. Wala naman pong kaplastikan ‘yon. Like noong na-interview po ako, tinanong po nila ako kung kanino raw ako pinaka-close sa leading ladies ko, sinabi ko talaga si Roxanne. Kasi, ang lawak ng pinagsamahan namin.

"Pangalawa, ang dami ko na rin nai-share sa kanya. May mga bagay na sa kanya ko lang kayang i-share, sa kanya ko lang kayang sabihin. Siyempre, nandoon pa rin yung kung may problema, sa kanya pa rin ako magsasabi. Sana ganoon din siya kung may problema siya, sa akin pa rin siya magsabi."

At this point ba, masasabi ni Jake na pupuwede na ngang magpaligaw sa iba si Roxanne at pupuwede na rin siyang manligaw ng ibang babae?

"Basta sa ngayon, ang napag-usapan po namin, itse-cherish namin ang blessings namin. At saka nakikita namin, nari-realize namin na napakasuwerte naming dalawa. Ang tagal naming hinintay ito, yung mga projects na ganito. Kumbaga, matagal naming pinaghandaan ang mga ganitong projects, so ayaw naman naming sayangin.

"Kumbaga, tingnan na lang natin kung saan ako dadalhin, kung anuman ang puwedeng mangyari. At saka, ever since, sinasabi ko naman po na hindi ako yung tipong nanliligaw. It all started with friendship and then, tingnan na lang natin kung saan puwedeng pumunta," pahayag ng binata.

Masasabi ba niyang suwerte siya sa career, pero kabaligtaran pagdating sa lovelife?

"Ayoko namang sabihing ganoon," sambit ni Jake. "Basta ang pinag-usapan lang namin, for 2008, we'll just gonna do our best for our career."

Bukod kay Roxanne, marami pang ibang leading ladies si Jake sa Palos. Isa na rito si Bangs Garcia na minsan ay nakitang ka-date daw ng young actor. Ayon pa sa balita, may isang kissing scene daw sina Jake at Bangs sa Palos na sa sobrang passionate, tipong nasugat daw ang labi ni Bangs after their scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa muna si Jake bago nag-react. "Eksena po ‘yon...hindi naman po. Hindi ko naman po kayang manakit ng isang babae sa ganoong paraan. Eksena po ‘yon. Yung scene po kasi, kailangang medyo passionate talaga. The scene called for it, so ibinigay po naming lahat para sa eksena."

PALOS. In real life din kaya ay "palos" o madulas si Jake?

"Para sa akin, yung pagiging palos, yung pagiging smooth, suwabe. Hindi naman sa meron na ako nun, pero yun ang traits na gusto kong makuha.Gusto kong ma-master tulad ng character ko sa Palos. At saka parang napaka-guwapo pa rin niya kahit nasaang situwasyon. Parang kahit binubugbog na siya ng kalaban, ang guwapo pa rin niya sa kahit anong situwasyon," pahayag ni Jake.

Aminado si Jake na sa lahat ng projects na ginawa niya, ang Palos ang maiku-consider niyang pinaka-biggest break niya. Nandoon man daw ang pressure, pero mas lamang daw ang kabog ng dibdib na nararamdaman niya ngayon.

"Kaba po...nerbiyos," sambit niya. "Parang ilang taon mong hinihintay, ‘tapos nandiyan na. So, parang ako, kailangan mo na lang talagang makita kapag umere. Maganda yung show. Ina-assure ko na maganda ang show. Kung gaano namin pinaghihirapan, kung paano namin ginagalingan lahat—mula sa staff, artista—kung paano namin ibinibigay ang lahat para sa Palos.

"Sa ngayon po talaga, ito na ang pinakamalaking break ko. Ito na po ang pinaka-alas ko. Sana lang po talaga, suportahan ng mga tao."

Napi-feel na ba niya na sikat na siya?

"Hindi ko po tinitingnan na ganoon," sagot niya. "Nagugulat lang siguro na kapag nagpupunta ako ng mall, sobrang kilala na ako nga mga tao. May mga nagpapa-picture, may nagpapa-autograph. Pero mas tinitingnan ko yung bigger picture kung paano ko pa mapapagaling ang sarili ko sa pag-arte. Yun naman kasi ang kailangan, yung kapag napapanood ka nila, masaya sila at mawawala sila sa problema nila. For me, that's more important than anything else."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CESAR MONTANO. Puro papuri naman ang mga binitawang salita ni Jake patungkol sa co-star niya sa Palos na si Cesar Montano. Pero hands-off na ito nang tanungin ng mga press people kung sa mga pag-uusap ba nila ni Buboy ay nakakapagkuwento ang aktor sa kanya tungkol sa mga isyu ngayon sa marriage life nito.

"Simula nang makasama ko siya, idol ko na kasi si Kuya Buboy [Cesar]. Pero habang tumatagal yung show, nagiging kuya ko na talaga siya. Ang dami kong natutunan sa kanya. Simula nang makilala ko siya, ang dami kong naa-apply sa buhay ko. Sa bawat kuwento niya, ang dami kong natutunan talaga.

"Pero yung sa isyu, wala po. Ako nga po, hindi ko naman po alam. Kahit noong nasa Macau kami, hindi ko naman alam hanggang sa may magsabi lang po sa akin. Pero wala, wala akong napansin sa kanya. Tinatanong nga nila ako kung may napansin daw ako, pero wala. Wala talaga. He's very professional," saad ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN