John Lloyd Cruz and Bea Alonzo's health breaks down during "Maging Sino Ka Man" taping

IMAGE 0


Maging Sino Ka Man lead stars John Lloyd Cruz and Bea Alonzo have been working so hard on the set that their bodies finally gave up.



Last week, halos sabay palang nagkaroon ng sakit ang mga bida ng Maging Sino Ka Man (MSKM) na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Ayon sa isang source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na konektado sa nabanggit na soap opera ng ABS-CBN, matinding pagod ang naging sanhi ng sakit ng magka-loveteam. Nasa taping daw ang dalawa ng MSKM nang makaramdam ng hindi maganda sa kanilang katawan sina Bea at John Lloyd.

Si Bea raw ay nawalan na ng boses dahil sa pagod at puyat. At John Lloyd naman, nanlamig daw ang buong katawan. Nasa location taping sila ng MSKM sa Batangas nang magkasakit ang dalawa.

Mismong mga production staff ng MSKM ang nagdala kay Bea sa isang hospital sa Batangas. Pinagpahinga muna raw ang young actress kaya na-confine din siya overnight. Si John Lloyd ay hindi na kinailangang i-confine.



Bagama't nakakaramdam ng pagod dahil sa halos araw-araw na pagte-taping, hindi raw ito isinisisi nina John Lloyd at Bea sa kanilang teleserye dahil lahat naman daw sila sa set ay nagpapakapagod at nagpupuyat para mas lalo pa itong mapaganda. Bukod kasi sa Batangas at sa Pampanga, kadalasan ay out-of-town ang location taping nila.

Dagdag ng aming source, masaya ang atmosphere sa set ng MSKM dahil for the past few days, tumataas na ang rating nila at maraming magagandang feedback ang natatanggap ng show dahil sa muling pagsentro ng kuwento sa apat na bida—sina John Lloyd, Bea, Anne Curtis, at Sam Milby.



Samantala, marami rin daw natatanggap na petition ang production ng MSKM na huwag patayin ang character ni Anne, si Celine na isang cancer patient. May mga e-mail din daw silang natatanggap na ang request naman ay ituloy na ang JB-Onay (Sam Milby and Toni Gonzaga).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN