Cesar Montano: "Kahit mawala man ang lahat, I'm still happy."

IMAGE 0


Cesar Montano co-stars with wife Sunshine Cruz and young actor Jake Cuenca in the TV remake of Palos. While Cesar says that he and Shine work professionally, he refuses to talk about private marital issues.



Sa bagong primetime series ng ABS-CBN, Palos, Cesar Montano will be playing the role of Fabio. Ang isa sa pinakamagaling na agent ng Neptune. Lumaki sa hirap at kayang-kaya ang lahat ng pagsubok sa kanya.

Sa Palos, gagampanan din ni Cesar ang role ng ama ni Jake Cuenca. Ayon kay Cesar, hindi raw siya nagdalawang-isip na gumanap na tatay ni Jake sa telebisyon dahil matagal na raw niyang pangarap na magawa ang character na Palos, na unang pinasikat ni Bernard Bonnin, ang ama ni Charlene Gonzalez-Muhlach.

"Kahit sa pelikula pa, gusto ko na siyang magawa. Kaya nga nang magkaroon ako ng opportunity na gampanan ko na ito, grinab ko na talaga agad ang chance. Napakalaki ng ino-offer sa aking role para pag-isipan ko pa. Actually, it's a great honor for me to play the role of Jake's father," pahayag ni Cesar sa presscon ng Palos last January 15.

Puro papuri rin ang mga binitawang salita ni Cesar sa kanyang co-star. In fact, sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Cesar, naikuwento niyang isa si Jake sa kinausap niya for a Hollywood project kung saan siya ang napisil na maging casting director among Pinoy talents. Dagdag ni Cesar, may cameo role rin siyang gagawin sa naturang Hollywood film na malamang magsimula sa September.

"I feel very very proud working with Jake," sambit ni Cesar. "He's a serious
actor. Napakabait. Napaka-professional. As an action star, nakikita ko na napakasigasig niya. Minsan nga, sabi ko, sumama siya sa aking mag-boxing, para kako mas maging refined ang maging suntok niya, lalo na sa screen. Okay naman, willing naman.

"Sa acting okay rin siya, hindi rin pahuhuli kung sa mga young actors ngayon. I think, hindi magtatagal, aani rin siya ng maraming award," papuri ni Cesar kay Jake.

SUNSHINE CRUZ. Sa Palos ay kasama rin ang misis ni Cesar na si Sunshine Cruz. In fact, almost all of Sunshine's scenes yata ay siya ang kaeksena dahil gumaganap silang mga magulang ni Jake sa series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang working relationship nilang mag-asawa sa set, lalo na't balitang hiwalay na sila?

"Very professional naman kami ni Shine. She arrives on time. Noon pa naman, kahit dati ko pa siya katrabaho, she's very professional and a serious actress," nangingiting pahayag ni Cesar.

Tila ramdam din ni Cesar na naghahagilap ang entertainment press na um-attend ng presscon ng Palos kung paano mailulusot ang mga tanong sa kanya na hindi direktang tinutukoy ang isyu sa kanilang mag-asawa. May warning na kasi, umpisa pa lang, na kung maaari, ang maging focus ng questions ay tungkol lang sa Palos.

Pero yun nga, on-cam lang ang tinukoy ni Cesar, pero kumusta naman sila ni Sunshine off-cam?

"Okay naman kami. We're very very civil. We talk. Ganoon pa rin, ganoon pa rin kami," matipid niyang sabi.

Halata rin sa mga sagot ni Cesar sa ibang mga katanungan sa kanya na may problema pa rin sila ni Sunshine at ito ang dahilan kung bakit he's still trying his best na ligawan muli ang kanyang misis. In fact, biglang nagseryoso si Cesar nang tanungin ng PEP kung after eight years of living together ay nakikita niya ang kanyang sarili na puwedeng mabuhay without Sunshine.

"Ayokong isipin ‘yan," sagot ni Cesar. "That's not a good thing to think about. And not for anything else, it's because we have children already. And siyempre, alam n'yo kung susuriin mo, lahat ng mga anak na produkto ng broken marriage, hindi maganda. That's why, iniiwasan natin yan."

Kumusta naman ang mga anak nila ni Sunshine?

"Sa akin...kasama ko kanina. Palagi akong yayo ng mga bata."

Kinorek kami ni Buboy when we asked him kung sa bahay niya pa rin ba nag-i-stay ang mga anak nila ni Sunshine.

"Of course! Sa bahay namin! Lahat kami, sa bahay."

Pero nang itanong namin sa kanya ang isyung lumabas rin dito sa PEP na after tumira sa kanyang ina ay nakahanap na raw ng sariling condo unit si Sunshine, nakiusap si Cesar na hindi na niya ito sagutin at kung puwedeng ibalik na sa Palos ang topic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong din namin si Cesar kung nagtatanong-tanong na rin sa kanila ang mga anak nila ni Sunshine.

"Oo! Lalo na napakatalino ng anak ko...yung panganay. Yung kasama ko sa commercial. It's all smart questions. At sinasagot ko. I make it a point to be honest with my children, always. Kasi, gusto ko rin siyang lumaking honest sa akin at comfortable being honest with me. Kasi importante yung kumportable siyang maging honest sa amin.

"Kaming dalawa ni Shine, tinatanong, sinasagot namin. Kasi, to top it all, walang ibang makakapag-ayos, makakaganda, at makakasira rin naman kundi kayong dalawa rin lang naman," pahayag niya.

At this point in his life, ano ba sa buhay niya ang Brazilian girls.

"I don't want to talk about that...I don't want..." pag-iwas niya.

Masasabi ba ni Cesar na masaya siya ngayon?

"Of course, masaya naman akong bata, e," sagot niya. Noong nasa Sta. Ana ako, wala akong tsinelas, naglalakad ako sa espalto, I was a happy kid. Kahit mawala man ang lahat, I'm still happy. Sa tingin ko kasi, ang tao, hindi tumatanda. Ang tao, nagdadagdag lang ng edad, pero ang puso, kung ano ang puso mo, yun pa rin."

Natawa naman si Cesar nang may magkomento na kaya pala niyang mawala lahat sa kanya.

"But no man is an island. You need friends. You need somebody to love and to be loved," paglilinaw niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN