Lovi Poe had mixed emotions when she met son of her suitor Jolo Revilla

IMAGE 0


"Suddenly, nakita ko yung reality, na ang nanliligaw sa akin, mayroonnang anak. There's nothing wrong with that. Medyo nakakapanibago lang.At saka tanggap ko kung ano talaga si Jolo," says Lovi Poe about suitor Jolo Revilla.



Hindi na tinantanan ni Jolo Revilla si Lovi Poe. Kaya mukhang after two months ng panliligaw, marami ang nagsususpetsang sinagot na ni Lovi si Jolo, bagay na idine-deny naman nilang pareho.



"Wala namang ipinagbago," sabi ni Lovi sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "It's still the same, well, getting to know each other better. It's much better like this. Oh, no, we're not hiding anything! Malalaman din naman ng mga tao 'yon kung totoo, o nagsisinungaling kami."



Dagdag ng dalaga, "If ever na magkaroon ako ng boyfriend, I don't think kailangan kong i-deny 'yon, o itago. Especially if the guy has honest intentions, siya naman ang magsasabi nun, e."



True enough, kahit binanggit na ni Lovi na nanliligaw si Jolo sa kanya, hindi ginawa ng aktor na lituhin o i-deny ang situwasyon nila.

Ipinakilala na rin ni Jolo si Lovi kay Gabriel, ang anak ng young actor kay Grace Adriano, na anak naman ni Rosanna Roces.



"Speechless ako and mixed emotions!" bulalas ni Lovi. "Suddenly, nakita ko yung reality, na ang nanliligaw sa akin, mayroon nang anak. There's nothing wrong with that. Medyo nakakapanibago lang. At saka tanggap ko kung ano talaga si Jolo. Wala naman siyang itinatago."



Na-touch naman nang husto si Lovi nang regaluhan siya ni Jolo ng Pomeranian puppy. Nasabi kasi ni Lovi na nalulungkot siya dahil namatay yung alaga niyang Pomeranian.



"Nagulat ako dahil kinabukasan, ipina-deliver na niya sa bahay ang aso," nakatutuwang pahayag ni Lovi. "Naramdaman ko lang na ayaw ni Jolo na nakikita akong sad. He will really find a way to make me happy."



Sa taping ng SiS kamakailan, nakita ng PEP sa may gazebo ng GMA-7 sina Lovi at Jolo na animo'y lovebirds. Araw-araw raw halos ay nagkikita na sila ni Jolo.



"Oh, maybe he loves my company," napakahinhing sabi ni Lovi. "Okay naman si Jolo. Mabait siya. Okay rin lang sa mommy ko [Rowena Moran] ang panliligaw niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Marami ang nangangamba kay Lovi na baka mabuntis siya nang wala sa oras, at matulad siya kay Jennylyn Mercado.



"Ay, ayokong husgahan si Jennylyn," sabi pa ni Lovi. "Let's not be cruel to her. We should be happy instead. Kasi blessing 'yan, magkakaanak na siya.



"Ang sa akin lang, kung ako ang tatanungin, mahirap magsalita ng patapos, pero mahirap na basta ganoon na lang ang mangyari sa akin. Kilala ko kasi ang sarili ko. At saka nangako ako sa Mommy ko na magtatapos ako ng college. I think Jolo got back to school, so he has other plans also.



"Besides, hindi ko pa siya boyfriend para isipin ng mga tao na mabubuntis ako. I don't think that will happen," diin ng dalaga.



Patapos na ang Zaido, pero wala pang definite project na kasunod si Lovi. Although sinabihan na siya ng GMA-7 executive na si Ms. Lilybeth Rasonable dahil maayos ang working attitude na ipinapamalas niya kaya tiyak daw na may follow-up ang exposure niya sa Kapuso network.



"Masaya naman ako sa assignments na ibinibigay ng GMA-7. They're giving me what I really deserve. I am hoping for meatier roles sana, parang ngayon pa lang, ma-prove ko that I can really act," sabi ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN