Iwa Moto in the running to dethrone Katrina Halili as FHM's Sexiest Woman

IMAGE 0


"Hindi po, wala akong sinasabing kakabugin ko si Katrina. Ang sabi kopo, ‘I will do my best' dahil sinasabi ng iba na baka ako na raw angpumalit kay Katrina this time," defends Iwa Moto about reports that she is out to dethrone Katrina Halili (inset) as FHM's Sexiest Woman.



Itinanggi ni Iwa Moto na gusto niyang kumpitensiyahin si Katrina Halili bilang pinakaseksing young star ng bansa. Nilinaw ng StarStruck 3 First Princess na hindi siya magsasalita ng masama kontra kay Katrina dahil kaibigan niya ito.

"Hindi po, wala akong sinasabing kakabugin ko si Katrina. Ang sabi ko po, ‘I will do my best' dahil sinasabi ng iba na baka ako na raw ang pumalit kay Katrina this time. Pero siyempre po, hindi ko naman alam ‘yon, kasi ang mga tao naman ang magde-decide, di ba? I mean, sila naman ang bumoboto at nagpapasya kung sino nga ang nararapat sa koronang ‘yon, e.

"Pero sa ngayon, parang hindi pa ako confident sa sarili ko na kaya kong abutin yung naaabot na ni Kat [palayaw ni Katrina]. Basta ako, gagawin ko na lang ang trabaho ko," pahayag ni Iwa sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sinabi ni Iwa na ayaw nilang magpa-apekto ni Katrina sa mga intriga.

"Ang pagkakaibigan namin ni Kat, labas sa trabaho. So, kung pagsasabungin man kami ng iba, trabaho is trabaho at labas yung friendship namin dito.

"Kami naman kasi ni Kat, ang pagkakaibigan namin ay hindi lang pang-showbiz. Actually, yung iba lang ang nang-iintriga sa amin, parang may iba na gusto kaming pag-awayin ni Kat. Pero dedma lang kami, hindi naman nila kami mapag-away, e."



MORE DARING IN JOAQUIN BORDADO. Gayunman, tila posible na isa si Iwa sa magiging mabigat na kalaban ni Katrina para sa titulong FHM's Sexiest Woman this year. Napasabak na kasi si Iwa sa ilang daring na mga eksena sa Joaquin Bordado, ang bagong TV series ng GMA-7 na pagbibidahan ni Robin Padilla.

"May eksena ako doon na sumasayaw ako, pole dancing na naka-panty at bra lang. O, di ba, bongga?!" nakatawang saad niya.



Ito na ba ang simula ng pagpapaka-daring niya?

"Hindi rin po, depende pa rin. Kasi pagkatapos ko namang mag-Joaquin, puwede naman akong bumalik sa mga tweetums na role, di ba?" paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inusisa rin ng PEP si Iwa kung may love scene sila ni Binoe sa Joaquin Bordado.

"Hindi ko pa po alam," sagot niya. "Kung sakaling mayroon, game naman po akong makipag-love scene kay Robin. Nagawa ko na naman kasi ‘yan dati kay Dennis [Trillo, sa Kung Mahawi Man ang Ulap], e."

Pero hindi ba siya nag-aalala dahil iba ang kamandag ni Robin kumpara kay Dennis?



"Well, iba rin ang kamandag ni Iwa!" malakas na halakhak ng young actress na tila naghahamon.

"Kung matapang siya, matapang din ako. Ako pa, kaya lang, baka ma-starstruck ako kay Robin e," nakangiting pahabol ni Iwa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN