Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Celebrities may tips para sa pet owners habang quarantine

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Apr 1, 2020
Ngayong naka-quarantine ang lahat, may tips sina (L-R) Martin del Rosario, Ashley Ortega, Carla Abellana at Tom Rodriguez, at Jasmine Curtis Smith para sa pet owners.
PHOTO/S: @martinmigueldelrosario instagram, @ashleyortega instagram, Carla Abella YouTube, @jascurtismith instagram

May tips ang ilang celebrities kung paano maalagaan ang ating pets—mapa-aso man o pusa—habang nakakulong lang muna ngayon sa bahay.

Video: GMA News.

Ang mga Kapusong sina Martin del Rosario at Ashley Ortega, isinasama sa kanilang workout ang kanilang fur babies dahil kailangan din daw maging active ng mga ito.

Para kay Jasmine Curtis Smith, prevention is better than cure, lalo na ngayong naka-Enhanced Community Quarantine laban sa COVID-19 ang lahat.

Importante raw na laging hydrated ang pets lalo na ngayong mainit ang panahon.

Ito rin daw ang panahon na malapit sa sakit ang mga ito kaya dapat laging bantayan ang kanilang kalusugan.

Sina Carla Abellana at Tom Rodriguez naman, nagpayo na huwag munang palabasin ang mga alagang hayop.

Kahit na hindi pa raw napapatunayan na maaaring mahawa ang pets ng COVID-19, maaari naman daw kumapit ang virus sa balahibo o fur ng mga ito.

Baka doon daw puwedeng mailipat ang virus sa tao.

Continue reading below ↓

Kung kinakailangang lumabas ang pet para dumumi o umihi, mas mabuting sa loob na lang ng kabahayan muna.

"Lahat naman tayo, kahit papa'no, may space naman in our households para dun na lang nila gawin," sabi ni Carla sa panayam sa kanila ni Tom ng 24 Oras reporter na si Nelson Canlas.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Kung wala mang outdoor area tulad ng garahe, backyard o garden, puwede namang sa loob na lang ng bahay.

"Maglagay na lang ng sila ng newspaper, o kaya ng, may nabibili ngayon na puppy pad, yung mga wee-wee pad, mga ganun.

"Para maturuan din sila, opportunity na maturuan din sila na dun na lang sila muna," patuloy ni Carla na sinang-ayunan naman ni Tom.

HOT STORIES

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong naka-quarantine ang lahat, may tips sina (L-R) Martin del Rosario, Ashley Ortega, Carla Abellana at Tom Rodriguez, at Jasmine Curtis Smith para sa pet owners.
PHOTO/S: @martinmigueldelrosario instagram, @ashleyortega instagram, Carla Abella YouTube, @jascurtismith instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results