Mark Herras promises to talk things over with scorned girlfriend EB Babe Lian Paz

IMAGE 0


Mark Herras gives his former girlfriend EB Babe Lian Paz (partly hidden) a peck on the cheek as Startalk hosts Lorna Tolentino and Butch Francisco look on. This photo was taken backstage during the January 19 episode of Startalk.


Nabalot ng tensyon nang magkita sa Startalk kanina, January 19, ang dating magkasintahan na sina Mark Herras at EB Babe Lian Paz.

Parehong live guest ng programa ang dalawa ngunit sa magkaibang oras. Isinikreto ng Startalk staff sa dalawa na live guest ang isa't isa. Sumunod si Mark sa call time niya at dumating ng bandang alas-tres ng hapon. Si Lian naman bandang 3:30 dumating sa GMA-7 studio.

Tumambay lang muna si Mark sa studio at nakipagkuwentuhan sa kanyang manager na si Lolit Solis. Narinig pa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa staff ng programa na malapit kay Mark na niyaya siyang maglakad-lakad muna sa labas ng studio. Pero tumanggi si Mark.

Ilang minuto pa, habang naghihintay si Mark sa bandang pasukan ng studio, biglang pumasok si Lian para sumalang na sa harap ng kamera.

Kitang kita ang pamumula ni Mark, halatang hindi niya pinaghandaan ang pagkikita nilang dalawa. Hindi nagbatian ang dating magkasintahan pero binati ni Mark ang mga kasama ni Lian, kabilang na ang kanyang ina. Matatandaang hindi maganda ang naging break up ng dating magkasintahan na sina Mark at Lian.

Habang ini-interview ng Startalk hosts na sina Lorna Tolentino, Joey de Leon, Lolit Solis at Butch Francisco ang EB Babe member, halos hindi mapakali si Mark. Halatang pinaglalabanan ang nararamdaman dahil kung siya raw ang papipiliin, mas gusto niyang sarilinin na lang nilang dalawa ni Lian ang usapin.

Tinutukso pa ng lahat si Mark dahil suot pa niya ang jacket na regalo ni Lian. Magkasunod na in-interview ang dalawa. Kapwa naglabas ng kani-kanilang mga panig tungkol sa paghihiwalay. Dumating pa ang pagkakataon na pinilit ni Nanay Lolit si Mark na puntahan si Lian na noo'y nanood lang sa studio. Nilapitan ni Mark ang dating girlfriend at agad itong nagbigay ng mensahe. Nangako ang binata na hindi raw matatapos ang susunod na linggo at mag-uusap na raw sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago matapos ang segment, hinalikan ni Mark sa pisngi ang ‘expressionless' na si Lian. Pagkatapos nito, magkahiwalay na umalis ang dalawa.

"Masaya na rin ako dahil nailabas na namin kahit paano ang nararamdaman namin," wika ni Lian.

"Lalaki naman akong kausap, mag-uusap kami," ayon naman kay Mark nang tanungin kung mag-uusap nga sila ni Lian bago matapos ang susunod na linggo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN