Jackie Lou Blanco shares how she and Ricky Davao worked out marital crisis

IMAGE 0


"At least, kahit na medyo may konting problema kayo, the fact thatyou're in the same house, maya't maya there will be a chance namag-usap kayo. There'll always be an opening," says Jackie Lou Blanco about her relationship with husband Ricky Davao (inset).



Inamin na finally ni Jackie Lou Blanco ang matagal nang usap-usapang paghihiwalay nila noon ng mister niyang si Ricky Davao. Dati, walang diretsahang pagkumpirma o pag-deny si Jackie Lou except sa isang interview niya ni Butch Francisco. Pagkatapos noon ay nanahimik na lamang siya.


Sa kanyang panayam sa PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Jackie Lou na nangyari ang matinding problema sa pagsasama nila ni Ricky six years ago. At sa ngayon, papunta na sila sa ika-19 na taon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.


"Kasi siguro that's what kept us sane rin, na parang we just worked on it. We didn't really announce it. Kasi feeling ko if you're in a difficult condition sa marriage mo or sa friendship or kahit na ano, it's always difficult when so many people are talking, e. I think the fact na we said our piece and then ginawa na lang namin as couple, I think that's the best thing to do," bungad ni Jackie Lou sa presscon ng Volta ng ABS-CBN.


Sa isang nakaraang interview kay Pilita Corrales, ang ina ni Jackie Lou, nabanggit niya na one thing good na ginawa niya to save their marriage ay ang hindi niya pag-alis sa bahay nila ni Ricky.


"Yes," pagkumpirma ni Jackie Lou. "And that is something I'm glad I did. I listened to my Mom kasi had I left the house or Ricky left the house, kasi when you used to be away physically siyempre you're not staying together. So, how there can be a chance na ayusin ninyo kung hindi kayo nagkikita.


"At least, kahit na medyo may konting problema kayo, the fact that you're in the same house, maya't maya there will be a chance na mag-usap kayo. There'll always be an opening."

Sino ang gumawa ng first move para magkaayos sila ni Ricky? "Parang kaming dalawa. I think ano, e, we were mature enough to say, ‘Hey, we're not 16 or 17 na kailangan pa nating i-push ang pride natin ‘no. Basta we live in the same house.'"


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagdedmahan sila? "Hindi naman dedmahan pero siyempre may problema, e."



Anong na-feel ng tatlong anak nila ni Ricky during that time na may problema sila?

"Ah, they felt, of course, there was tension. Actually, they went to the extent of telling us, me and their Papa, na if you're going to separate, you separate na lang. Kasi hirap sila, e, ‘di ba? Parang feeling kasi nila, ‘You are in a gray area, Mama. It's not black or white.'


" E, malalaki na ang mga anak ko that time. Sabi ko naman, 'alam mo it's not that easy. Let's us work on it and give Mama and Papa time to work on it just be patient.'"


Paano nila inayos ang problema? "Ah, we talked then I decided to meet kung saan lang puwedeng kang mag-meet. Be accepting of certain things, di ba? Be open, just be open to anything and ano naman, e, time heals and you pray that your marriage is restored. I mean, you work at it. In anything naman you have to work at anything, as long as you're willing there's nothing impossible."

May third party bang involved sa problema nila ni Ricky?

"No," mabilis na sagot ni Jackie. "Ano lang siguro, meron lang kami issues that ano, siguro napairal ‘yung pride kesa sa pag-usapan na lang."


Ang domestic problem ba nila noon ni Ricky ang dahilan kaya siya nagpalaki ng katawan?

"Hindi naman siya intentional. I think my workout was just another therapy for me. Parang ginamit ko lang siyang ano, hindi siya sadya pero I guess doon ko binuhos ‘yung problema."

SUPPORTIVE HUSBAND. May tsismis noon na parang insecure raw sa kanya si Ricky lalo na nang manalo si Jackie Lou sa isang body-building competition and during that time wala masyadong project ang asawa niya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't think so, kasi my husband naman hindi makitid ang utak ng asawa ko. I mean, he was very happy for me and that was napakaliit na bagay na for him to be insecure about.



"He's always been the one pushing me nga, e. Tanggapin mo 'yan, ganyan. Sasabihin ko, e, kasi ‘yung mga bata. ‘Okey lang.'



"Siya pa nga yung nagpu-push sa akin. So, it's impossible na it's because of that."

Sa ngayon, hindi na raw masyadong nagwe-weights si Jackie Lou pero nagwo-workout pa rin siya. Naka-focus ngayon si Jackie Lou sa mga offer na TV shows sa kanya from ABS-CBN, tulad ng Volta na magsisimula na sa January 26. Sa naturang palabas, si Jackie Lou ay gaganap bilang kontrabida laban sa superhero na gagampanan ni Ai-Ai delas Alas.

May time na ulit siyang umarte since medyo malalaki na rin naman daw ang kanyang mga anak. "May inclination din ‘yung anak ko'ng babae [Rikki Mae] na mag-artista. Kaya lang siyempre as much as possible we want them to finish their studies first. But if they get to the point that they want after they go to school, I think it's up to them. Kasi ‘yung panganay [Kenneth Robert Charles] ko is going to soon be college na. Tapos si Rikki Mae is third year high school na. Si Ken has just turned 19 years old. Si Rikki Mae 15 na next week. Tapos si Arabella is 10.

"Si Kenneth is in home school now pero hindi ko alam kung saan siya. Pero gusto niya UP [University of the Philippines] or Ateneo for college. Rikki Mae and Arabella are both from Poveda. Home school siya nung high school kasi nagkaroon siya ng a bit of a problem when he was first or second year. Basta medyo na-ano sa studies pa niya. So, nilagay namin siya sa homestudy program. Okey naman, he's doing okey."



PILITA, LOTLOT, AND MONCHING. Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos ang kanyang Mommy at hipag niyang si Lotlot de Leon. Meron ba siyang ginagawang paraan para sila magkasundo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Uhm, paraan na...to be pushy? No," sagot niya. "Basta I just told my Mom and Lot na sana one of these days makapag-usap sila. But at their own time. Kasi I cannot tell them naman na hindi ba, kumbaga? But I'm very glad kasi that's been my prayer and I can see that both of them are open. Yun bang parang panahon na lang, pagkakataon na lang to maybe have them at the same place and then talk."

Sino sa tingin niya ang dapat na gumawa ng first move?


"I think, whoever. Ah, but of course, when you look at the picture you will say, well, sana si Lot kasi mas bata siya. But you know, I think if they'll put in a situation and they're both in the same place, for all you know they'll both approach each other at the same time and it won't matter. Wala nang 'age' and ano, ‘di ba?"


Kumusta naman ngayon sina Lotlot at Monching?


"Ah, they're very okey. Sabi nga ni Mon this is the best, kumbaga, even if they're separated ang ganda raw ng kanilang relationship ngayon.


"I can't say na there is no chance for a reconciliation because that's not for me to say. If it's God will and they want it ‘di ba? But for now, sa tingin ko magkabigan lang sila and they're both parents to their children."

Nakarating ba sa kanya ang balita na nag-date noong New Year si Lotlot kasama ang aktor na si Gardo Versoza?


"I don't know, but I know marami silang kaibigan. But I don't think anyone like yung somebody they're going out with on a regular basis. Hindi ko alam yun kasi nung New Year nasa bahay si Lot.


"Yeah, Lot and Mon they spent New Year with us. All of them including the kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"They're okey. Sabi ko nga sa kanilang dalawa, for all you know kayo rin. Umiikot-ikot lang kayo but for all you know you'll end up together," wika ni Jackie Lou.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN