Neri Naig tells the story of "Ang labanos"; it is the story of being bullied

Apr 7, 2020
The radishes growing in Neri Naig-Miranda's home bring her back to the time she and her sister were bullied in school. "Pangit daw kasi kami. 'Di kasi kami mahilig magsuklay kaya mukha kaming witch!" she recalls.
PHOTO/S: @mrsnerimiranda on Instagram

Si Neri Naig-Miranda, gaya ng marami sa Luzon kunsaan ipinapatupad ang enhanced community quarantine, ay nasa bahay lamang. Pero ang maganda sa kanya, she's making productive use of her time.

Aside from spending time with her bibo son Miggy and her Parokya ni Edgar vocalist husband Chito Miranda, busy si Neri sa pag-aayos ng kanilang mini-library at sa pagpapatuloy ng kanyang favorite hobby: farming.

Marami na ngang na-harvest ang former actress—cabbage, kamatis, kamote, pechay, sili, at marami pang iba, kasama na pati strawberries.

Nga lang, sa pag-harvest niya ng kanyang mga tanim na "baby labanos," nauwi ang celebrity-farmer-entrepreneur sa paggugunita sa ilan niyang matinding childhood moments.

Ang kuwento, na kanyang pinamagatang "Ang labanos," ay inilahad ni Neri bilang parte ng kanyang Instagram post today, April 7, 2020.

It shows a picture of her growing root crops.

Then in her caption, she begins to talk about how she and her sister Mimi were bullied in school, and how she believes the experience made her the strong woman she is today.

Continue reading below ↓
View this post on Instagram

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Her caption reads:

"Maikwento ko lang, medyo mean lang pero bata pa kami noon! Haha!

"Kasi iyong isang ate ko, si Ate @mimimeow21 binubully noong grade school kami—pareho pala kaming binubully, hehe, ng mga mean girls sa school!

"Pangit daw kasi kami. 'Di kasi kami mahilig magsuklay kaya mukha kaming witch! Haha!

"Kung ano ang mga napapanood ninyo sa movies na mga ginagawa ng mean girls, ganoong-ganoon sila! Haha!"

But one time, Neri and her sister Mimi found an almost funny way to get back at their bullies.

Neri continues, "Noong kapanahunan kase namin, big deal ang gardening sa T.H.E. [Technology and Home Economics] na subject.

"E, naunang nakapagpatubo [yung isang bully] ng eggplant ata yun, so kaming magkakapatid, naghigante kami, hehe!

"Pinitas namin iyong pausbong na talong!

"Ayun, nag-iiiyak siya noong nawawala iyong talong niya.

"Iyon na ata pinaka meanest na nagawa ko noong grade school."

Hindi raw dito nagtapos ang kanyang childhood misadventures.

Continue reading below ↓

Anupaman, natutunan pa rin daw ni Neri na mag-bloom on her own and not to hold grudges.

"Ang pinaka meanest na nagawa sa akin?" pagkuwento pa ni Neri.

"Gumawa sila ng patibong at nahulog ako, at labnos talaga iyong balat ko. Ang laki ng sugat ko!

"Pagkatapos, tinawanan lang nila ako.

Continue reading below ↓

"Hindi ako makaiyak kasi masakit na nga iyong sugat, mas masakit sa pride! Haha!

"Pero hindi ako nagpatalo sa emosyon.

"Mas na-inspire ako to be a better person every day kahit bata pa ako dahil alam ko na malayo ang mararating ng mga taong mabait sa lahat, tapat, at hindi nagte-take advantage sa iba.

"Ang labanos. Bow."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The radishes growing in Neri Naig-Miranda's home bring her back to the time she and her sister were bullied in school. "Pangit daw kasi kami. 'Di kasi kami mahilig magsuklay kaya mukha kaming witch!" she recalls.
PHOTO/S: @mrsnerimiranda on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results