Celebrities kasama mga anak sa pang-aaliw online sa fans; Baeby Baste laging may dasal

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Apr 7, 2020
Naghahatid ng "good vibes" ang Instagram posts nina (mula kaliwa) Pauleen Luna at Tali, Paolo Contis at Summer, at Camille Prats at mga anak na sina Nala at Nathan. Lagi namang may dasal para sa frontliners ang Eat Bulaga! dabarkid na si Baeby Baste (dulong kanan).
PHOTO/S: Instagram: @pauleenlunasotto, @paolo_contis, @camilleprats, @iambaebybaste

Sabay sa pagpapaalala na mag-ingat at manatili sa bahay, may hatid ding pampa-good vibes ang mga celebrities at ang kanilang mga anak.

Video: GMA News.

Katulad na lang ni Pauleen Luna na kasabay sa pagsasayaw ang kanyang anak na si Tali.

Si Paolo Contis naman, ipinakita kung paano turuan ng leksyon ang anak na si Summer kapag "nag-a-attitude."

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nag-share ng "GV" o good vibes si Pia Guanio-Mago sa pamamagitan ng video ng kanyang anak na si Brooklyn habang nagsasayaw.

Continue reading below ↓

Ipinakita naman ng StarStruck graduates na sina Katrina Halili at Yasmien Kurdi ang mga gawaing-bahay ng mga anak nilang sina Katie at Ayesha.

Si Katie na anak ni Katrina, ipinakita kung paano niya nililinis at pinupunasan ang ilang bahagi ng kanilang tahanan para maging virus-free.

Ang daughter ni Yasmien na si Ayesha, tumutulong na sa bahay bilang tagahugas ng pinagkainan.

Continue reading below ↓

TikTok naman ang handog na pampasaya nina Camille Prats at ng kanyang mga anak na sina Nathan at Nala.

Continue reading below ↓

Samantala, ang Eat Bulaga! dabarkid na si Baeby Baste, laging may hatid na dasal at saya, bukod sa laging pagpapaalala sa kanyang followers na mag-ingat.

Sa panayam sa kanya ni 24 Oras reporter Cata Tibayan, ikinuwento niya ang iba pa nilang ginagawa habang nananatili lang sa bahay ngayon.

Bukod sa pagluluto lagi ng ibinabaon ng kanyang amang pulis, na isa sa mga frontliners na nakabantay para sa seguridad at peace and order, nagrorosaryo raw sila lagi ng kanyang kapatid na si Samsam at inang si Mama Shiela.

Continue reading below ↓

Ipinagdarasal daw nila ang mga kaluluwa ng mga namatay sa COVID-19, ang paglipas ng epidemya na ito, at ang kaligtasan ng frontliners, katulad na lang ng kanyang amang pulis na laging naka-duty.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naghahatid ng "good vibes" ang Instagram posts nina (mula kaliwa) Pauleen Luna at Tali, Paolo Contis at Summer, at Camille Prats at mga anak na sina Nala at Nathan. Lagi namang may dasal para sa frontliners ang Eat Bulaga! dabarkid na si Baeby Baste (dulong kanan).
PHOTO/S: Instagram: @pauleenlunasotto, @paolo_contis, @camilleprats, @iambaebybaste
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results