PEP EXCLUSIVE: Sunshine Cruz: "I want my life back, with my kids."

IMAGE 0


"Masakit at malungkot, pero kanya-kanyang problema ang mga tao. Para saakin, kung hindi masolusyunan muna, at kung pabalik-balik ang problema,siguro mas mabuting huwag na munang pag-isipan ng solusyon. Baka 'yonang solusyon," explains Sunshine Cruz about her estranged relationship with husband Cesar Montano (inset).



Sa himig ng pananalita ni Sunshine Cruz sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), mukhang masaya na siya and less stressed out. Nitong mga nakaraang araw, may pagkakataong ka-text namin si Sunshine kahit disoras ng gabi.



"Ganoon pala 'yon when you make such a decision kapag napuno ka na, pero I still don't want to talk bad about Buboy. He is still my husband, and the father of my kids. Ayokong sirain si Buboy sa paningin ng mga anak ko," pakiusap ni Sunshine tungkol sa problema nila ng kanyang mister na si Cesar Montano.



Sinabi niyang hindi totoong sinusuyo siya ni Cesar para magkabalikan sila.



"I kept my silence, and so be it," confides Sunshine. "Pero nakakatawa yung mga lumalabas, kasi hindi naman ganoon. In fact, nagagalit pa siya sa mga lumalabas dahil ang feeling niya, character assasination 'yon sa kanya.



"E, hindi naman ako nagsasalita. Basta, kung anuman ang mangyayari sa amin ni Buboy, ipinapasa-Diyos ko na lang. Pero sa ngayon, wala kaming communication. Nagpalit na siya ng SIM, at hindi niya ako kinokontak. Idinadaan na lang niya sa sekretarya ang mga habilin, lalo na yung tungkol sa mga bata," pahayag ng aktres.



Hindi rin daw nagustuhan ni Cesar ang lumabas na balita na sinabihan daw niya si Sunshine na "porno star" sa harap ng mga anak nito. Ayon pa sa balita, may boyfriend na raw si Sunshine kaya nagbago na ito sa mister. Nagbigay ng kanyang pahayag si Sunshine tungkol dito.



"Basta ako, kung ano ang nangyari sa amin bilang mag-asawa, sa amin na lang 'yon," iwas ni Sunshine. "Yung mga ganyang bagay, hindi 'yan maiintindihan ng iba. Kahit ipaliwanag pa namin. I just want everything to pass. Sobra na akong nasaktan, and I just wanted my identity and self-respect back. Kung nagawa kong mag-suffer in silence for a long time, gagawin ko pa rin, alang-alang na lang sa mga anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Tell me, kailan naman ako nagkaroon ng image ng kalandian? Kahit nagpa-sexy ako, hindi ako nagpapalit-palit ng boyfriend, 'no! Kaya 'yang mga sinasabi ng ibang pumatol ako kung kanino, bahala na lang ang Diyos sa kanila. Sana matakot sila sa karma. Sino naman ang magiging boyfriend ko? E, hanggang ngayon, aaminin ko, I still love my husband. But sometimes, love just ain't enough. Di ba, yun ang sabi sa kanta? And it's true," pahayag ni Sunshine.



Ang gusto lang daw ni Sunshine ay subukan ang buhay na wala muna siyang asawa. Cesar can do whatever he wants, at patuloy raw na walang maririnig sa kanya.



"For the meantime, I want my life back, with my kids," diin ni Sunshine. "Wala namang problema sa ngayon, because my kids stay with Buboy kapag school days. Malapit lang sa Sct. Rallos [street] kasi yung school nila.



"So far, he has been a good provider. Ever since, yun naman ang ikinabibilib ko kay Buboy. Naging mabuti siyang ama para sa mga anak namin, kaya kahit ano pang problema namin, napapatawad ko siya, alang-alang sa mga anak ko. Kaya lang, hindi ko na ma-take ang kung anu-anong katsipang bagay na kumakalat about him. Gusto ko lang ng peace of mind, at ang paraan lang siguro riyan, hindi muna kami magsama sa iisang bahay," tuloy-tuloy na sabi niya.



Nakiusap din si Sunshine na huwag munang i-publicize kung saan siya nakatira. She's renting a pad right now, at ilang araw na naging abala siya sa pagsasaayos ng bago niyang tahanan.



"Masakit at malungkot, pero kanya-kanyang problema ang mga tao. Para sa akin, kung hindi masolusyunan muna, at kung pabalik-balik ang problema, siguro mas mabuting huwag na munang pag-isipan ng solusyon. Baka 'yon ang solusyon," sabi ni Sunshine.



Bukod sa isyu ng Brazilian model na naging dahilan daw ng pag-aalsa-balutan ni Shine, lumalabas pa ang tungkol sa isang babaeng madalas daw magpunta sa Belissimo restaurant na pag-aari ni Cesar at mina-manage ng anak nitong si Angela. May lihim na relasyong seksuwal daw ang babae kay Cesar. Ano ang reaksiyon ni Sunshine dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Mas mabuti siya na lang ang magpaliwanag sa mga isyung 'yan," sagot niya. "Pagod na rin ako. And since I went away from him, he has all the liberty to do whatever pleases him. Nawala agad yung hatred sa puso ko. Kasi that's the only way para makapag-move on ako, at maging mas madali sa akin, lalo na't guide ako ng mga anak ko."



Dagdag niya, "Kung totoo man 'yan o hindi, I'm not the one who should explain. Ang concern ko ngayon, magbalik sa pag-aartista. I want to earn my own money. Sana nga matulungan ako na magpaka-active muli sa showbiz, para mayroon din akong naitatabi para sa mga anak ko."

Kasama si Sunshine sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Palos, kung saan gumaganap siya bilang misis ng kanyang mister sa totoong buhay na si Cesar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN