Carlo Aquino: "Ayoko naman na ma-typecast akong rapist."

IMAGE 0


"Siguro nagkakataon lang na yung mga ginagampanan ko ay nangre-rape sapelikula. Ayoko naman na ma-typecast ako na rapist. Baka matakot na angmga babae sa akin," says Carlo Aquino about his role as a rapist.



Dapat lang na ipagmalaki ni Carlo Aquino ang role niya bilang si Ernie sa bagong Sine Novela ng GMA-7, Maging Akin Ka Lamang. Bukod sa orihinal na gumanap sa naturang role, ang yumaong Jay Ilagan, isang award-winning role din ito.



Hindi lang si Lorna Tolentino ang nanalo ng acting award sa Maging Akin Ka Lamang, na idinirek ni Lino Brocka noong 1987, kundi pati na rin si Jay Ilagan. Nanalo sa FAMAS at sa Film Academy of the Philippines si Jay bilang Best Supporting Actor noong 1988 para sa pelikulang ito. Isa sa pinaka-highlight ni Jay sa pelikula ay ang panggagahasa niya kay Lorna who played Rosita, now being played by Isabel Oli.



Natatawa nga si Carlo dahil manggagahasa na naman siya sa isang TV drama. Kung matatandaan ay naging rapist din siya ni Valerie Concepcion sa unang Sine Novela ng GMA-7, ang Sinasamba Kita.



"Mukha yata akong rapist kaya ako kinukuha!" tawa ni Carlo sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Siguro nagkakataon lang na yung mga ginagampanan ko ay nangre-rape sa pelikula. Ayoko naman na ma-typecast ako na rapist. Baka matakot na ang mga babae sa akin."



Katuwaan lang na tanong: Ano ba ang gusto ni Carlo, yung mang-rape o yung nire-rape siya?



"Depende, e!" tawa niya ng malakas. "Ni-rape na rin naman ako sa indie film na Tuli. Si Desiree [del Valle] ang nang-rape sa akin. Okay lang naman.



"Mahirap ang mang-rape kasi magkakasakitan kayo. Pilitan ‘yon di ba? Hindi naman yata rape ang tawag kung willing ka. Kung ako ang mare-rape at sobrang ganda at sexy ang girl na gagahasa sa akin, okay lang. Di ako lalaban kasi ayokong magkasakitan kami!" sabay tawa ulit ng dating child actor.



Hindi pa raw nakukunan ang rape scene nila ni Isabel sa Maging Akin Ka Lamang. Pero okay lang ba na magbantay ang boyfriend ni Isabel na si Paolo Contis sa set kapag makunan na ang eksenang ‘yon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Okay lang naman siguro kasi eksena naman ‘yon, e. Kailangan sa story talaga. Depende rin yun kay Paolo. If he wants to stay, okay lang. I assure him naman na hindi ko sasaktan si Isabel. Careful naman ako kapag ganyang delicate na eksena," pahayag ni Carlo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN