Rhian Ramos refuses to have flat boobs 'inflated' if she's chosen for "Dyesebel"

IMAGE 0


"Hindi ko nakikita yung need para magpa-enhance. At saka paranghalatang fake na, di ba? Kasi alam naman ng lahat na hindi naman malaki‘tapos biglang lumaki. So I think, sarado yung possibility na ‘yon namagpapa-enhance ako," says Rhian Ramos about the possibility of enhancing her breasts if chosen to play Dyesebel.



Wala sa bokabularyo ni Rhian Ramos na magpadagdag ng boobs kahit sabihing baka makompromiso ang role na Dyesebel, na balitang sa kanya ibibigay ng GMA-7. Tahasan ding inamin ng 16-year-old actress na aware siya sa bulung-bulungan na siya na ang gaganap bilang Dyesebel, subalit diretsahan niya ring sinabi na wala pang direktang kumpirmasyon mula sa Kapuso network.

"Actually, yung tungkol sa Dyesebel, lumalabas nga sa mga tabloids or newspaper na ako raw ang gaganap. Pero wala pa pong nasasabi sa akin ang GMA-7. I promise, I swear to God, wala pa silang sinasabi sa akin," wika ni Rhian sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kung officially i-announce na siya na nga ang Dyesebel, ano kaya ang mararamdaman niya?

"Kung sakaling ibibigay nga sa akin yung role, siyempre magiging masaya ako. Magandang role ang Dyesebelat saka mahilig akong lumangoy!" nakatawang saad ng young actress.

Dahil sirena si Dyesebel, dapat ay topless din ang gaganap na artista rito. Kaya ba ni Rhian na mag-topless kung saka-sakali?

"Ha, topless?" na-shock niyang tugon. "Sa tingin ko, there are ways around that. Pero, wow, nahilo ako, ah!"



"Sorry!" patuloy niya na hindi pa rin mapigilan ang pagtawa. "Pero kung papiliin ako, Dyesebelor Darna, siguro wala naman akong karapatang mamili, e. So, kung ano ang tingin ng network na mas babagay sa akin. Kasi I trust them naman, e.

"Pero ako kasi, bawal mag-harness kasi I have a bad back. I'm an okay swimmer and it's one of my favorite sports, so I'd say siguro Dyesebel. Kaso lang, baka mahirap yung may tail!" tawa niya ulit.

Okay ba sa kanyang lagyan ng kabibi ang dibdib niya?

"Ng ano? Ah, shells... I don't know the costume, they never told me na it's me. So, parang wala akong alam tungkol sa costume, sa script," pahayag ng dalaga.

Sinabi pa ni Rhian na hindi siya nao-offend sakaling sabihin ng iba na flat-chested siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's okay, you can say it, it's boobs!" tawa niya. "Yes, I'm flat and I know I'm flat. Parang everyone knows I'm flat, ide-deny ko pa ba na flat ako? Alam naman siguro ng buong mundo o ng kahit sinong nakakita sa akin, ‘Wala, flat siya.' Hindi naman ako conscious about that, dati medyo may pagka-conscious pa ako. But I was younger then, and ngayon, confident ako sa body ko.

"I think yung beauty naman, in a sense, hindi naman connected ‘yon kung may boobs ka o wala. Parang siyempre, beauty is in all shapes and sizes," paliwanag ni Rhian.

Ayon pa sa young actress, naniniwala siyang hindi niya kailangang magpa-enhance pa para mas bumagay sa kanya ang lead role sa Dyesebel.

"Hindi ko nakikita yung need para magpa-enhance. At saka parang halatang fake na, di ba? Kasi alam naman ng lahat na hindi naman malaki ‘tapos biglang lumaki. So I think, sarado yung possibility na ‘yon na magpapa-enhance ako," paliwanag niya.

Paano kung dahil sa kakulangan sa size ng dibdib ay ma-compromise yung pagiging Dyesebel niya?

"Well, whether ma-compromise o hindi, wala naman sa akin yung decision. At saka okay lang naman kahit sino ang piliin ng network," sagot ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN