Bianca Gonzales says she and Lino Cayetano are not back together

IMAGE 0


"Hindi nga kami nagbalikan, pero it's a nice thing na magkaibigan kamiulit... Yung relationship,parang napaka-big deal niyan. Hindi naman siya basta-basta. Nopressure. Magaan lang na catching up. Peaceful na masaya. Maybe in timemapag-usapan, pero as of now..." says Bianca Gonzales about the status of her relationship with ex-boyfriend Lino Cayetano.



Idinetalye muli ni Bianca Gonzales sa The Buzz noong Linggo, January 20, ang nasulat na pagsasama nila ng young director na si Lino Cayetano sa Singapore kamakailan pagkatapos niyang magsalita a day earlier, January 19, sa Entertainment Live.



"Hindi kami nagpunta dun together, as in lumipad together," paglilinaw ni Bianca. "Ngayon nga, Lino is temporarily based in Singapore. So nandun na siya sa Singapore at ako naman, nagbakasyon nga ako doon. ‘Tapos ‘yon, when we were there, of course, alam namin na pareho kaming nandun and ‘yon, we met up. And yes, pumunta kami dun sa nasulat, sa Café del Mar sa Sentosa. When I went there [Singapore], he was there na mga one week na, more than a week, and now he's still there."

Nilinaw rin ni Bianca na wala silang planong magtago ni Lino sa publiko kaya naman may mga nakakita sa kanila doon.



"We knew naman that would happen," ani Bianca. "In fact, bago ako umalis nung nagpaalam ako sa Mom ko, sa Pastor ko, sa family ni Lino, they warn us na parang.... Of course, may mga Pinoy dun na parang ‘pag nakita kayo, parang mababalita. Sabi namin, possible din yun talaga kasi ang daming Pinoy sa Singapore, lalo na with TFC. Yun, kasi nga, wala naman kaming itinatago or anything. Alam namin na posibleng lumabas."



Para kay Bianca, isang simpleng pagkikita lang ng magkaibigan at hindi muling pagbuo ng nasirang relasyon ang naganap sa Singapore.

"Hindi nga kami nagbalikan, pero it's a nice thing na magkaibigan kami ulit. Ask me a few months from now, makakasagot ako. Yung relationship, parang napaka-big deal niyan. Hindi naman siya basta-basta. No pressure. Magaan lang na catching up. Peaceful na masaya. Maybe in time mapag-usapan, pero as of now..." bitin na sabi ni Bianca sabay iling.



Pero halatang in love si Bianca habang ini-interview sa The Buzz. Sweet at palaging nakangiti ang TV host. Kahit hindi naman masyadong nakakatawa ang pinag-uusapan, natatawa siya. Senyales ng isang babaeng in love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Bianca, sa apat na araw na magkasama raw sila ni Lino sa Singapore ay hindi raw nagbitiw ng "I love you" sa kanya ang binata.



"Wala, walang ganun," sweet na sabi ni Bianca.



Nabanggit din ni Bianca na ipinaalam niya kay Lino na magsasalita siya tungkol sa isyung ito at binigyan siya ng payo ng dating boyfriend.



"Pinag-pray niya ako at saka sinabi niya ang tagal-tagal kong naging strong ‘pag may issue or intriga sa akin. Parang ngayon pa ba ako magiging hindi strong? Parang kaya ko daw ‘yon. At kinaya ko naman," sabay ngiti ni Bianca.

Tinanong din namin si Bianca pagkatapos niyang mag-host sa Entertainment Live kung nilinaw ba sa kanya ni Lino na split na sila ni KC Concepcion bago sila nagkasama sa Singapore.

"Wala naman siyang sinasabi sa akin and I don't ask him naman about that. But what I know of him is that's he's a decent guy and he's not the type na magtu-two time," mariing sabi ng dalaga.

Bumalik mag-isa ng Pilipinas si Bianca samantalang naiwan sa Singapore si Lino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN