Toni Gonzaga gets a Tiffany necklace from Paul Soriano as birthday gift

IMAGE 0


"I always see to it na hinihiwalay ko yung personal ko sa trabaho. ‘Pagnagtatrabaho ako, trabaho talaga saka nakikita naman na walang nabagosa pakikipagkaibigan ko kay Sam o kahit kaninumang partner ko," says Toni Gonzaga about having a relationship with boyfriend Paul Soriano (inset, bottom) while doing a movie with onscreen partner Sam Milby (inset, top).



With her blessed career and happy lovelife, Toni Gonzaga declares that her birthday last January 20 was the happiest birthday she ever had. Sa paglalim pa lalo ng relasyon nila ng boyfriend niya na si Paul Soriano at sa ganda ng itinatakbo ng career niya sa kasalukuyan, everything seems to fall into its proper places for the TV host/actress/singer.



"The happiest birthday I ever had!" bulalas niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ang daming nangyaring maganda sa career ko, ‘tapos looking forward pa ako sa concert ko sa February 9 in Aliw Theater, where Sam [Milby] and Vhong [Navarro] are my special guests. It's titled Catch Me, Toni Gonzaga. Sana panoorin nila kasi I'll do numbers of my favorite singers like Christina Aguilera saka yung mga gusto at di ko pa nagagawa sa ASAP.



"Malaki rin ang pagbabago sa part ko kasi siguro nag-mature na ako when it comes to discernment, decision-making, ‘tapos spiritually, I'm growing. Basta I'm so happy right now," masayang pahayag ni Toni.

Aminado si Toni na bukod sa higit pang tumitibay ang relasyon nila ni Paul ay espesyal ang birthday gift sa kanya ng boyfriend. Isang bagay na matagal na niyang gustong bilhin.



"I came from Pampanga for a show, pagdating ko sa bahay, twelve [midnight] na. Inasalto ako ng mga pinsan ko saka ni Paul. He gave me his gifts, marami kasi package-package naman magregalo ‘yon sa akin. Pero ang pinaka-favorite ko sa lahat ay yung Tiffany necklace na may diamonds sa pendant. Gustung-gusto ko talagang magkaroon ng Tiffany necklace before pa, kaya lang ayokong bilhin kasi nanghihinayang ako. ‘Tapos binili nga niya ako," nakangiting kuwento ni Toni.



Dagdag niya, "We're okay, it's growing, di stagnant yung relationship namin. We're both growing and we're learning a lot from each other."

May isyung lumabas na sa lalim ng relasyong tinatakbo nila Toni at Paul ay nandun na raw ang balak ng dalawa na magpakasal. Bagay na nilinaw agad ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Aaminin ko, Paul is the person I want to spend the rest of my life with," sabi ni Toni. "In the first place, I wouldn't get into a relationship kung yung lalakeng makakasama ko is not for a long time. But I'm not saying na magpapakasal na ako ngayon, marami pa akong gagawin. But, of course, di ko puwedeng balewalain yung relationship namin. Since I'm only 24, I'll probably get married four to five years from now."

MOVIE WITH SAM. May pelikulang ginagawa ngayon si Toni with Sam Milby under Star Cinema. Kumita at naging very successful ang first two movies nila na You Are The One and You Got Me. Ngayong open book na ang pagakakroon ng boyfriend ni Toni, hindi kaya ito makasira sa ilusyon ng mga fans at makaapekto sa resulta sa takilya ng third movie nila ni Sam?



Ani Toni, "Yun na nga ang mine-make sure pa kaya nga I always see to it na hinihiwalay ko yung personal ko sa trabaho. ‘Pag nagtatrabaho ako, trabaho talaga saka nakikita naman na walang nabago sa pakikipagkaibigan ko kay Sam o kahit kaninumang partner ko.

"May kaunting worries but I'm confident na yung mga supporters namin will support us and will always be there for us, and naiintindihan naman nila. I'm also positive na iba na rin yung level ng maturity and thinking ng audience natin.



"Masaya kami sa shooting [ni Sam], mas masaya ang working relationship namin saka mas magaan. Siguro because this is our third movie, mas gamay na namin ang isa't isa saka okay na kami, tapos na yung mga naging problema dati," pahayag ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN