Mark Bautista denies staying at Rachelle Ann Go's room in Boracay

IMAGE 0


"Yung room ko, malapit sa pool, bale pa-elevate yung mga villas; sa baba ako, sa taas naman sina Rachelle and she's with her best friend. Di ako nakapasok sa room nila saka madaling-araw ‘yon and tulog na tulog ako," explains Mark Bautista about the rumor that he slept at Rachelle Ann Go's (inset, bottom) room when they were in Boracay.



After the breakup of Christian Bautista and Rachelle Anne Go, pumutok agad ang balita na nakita raw na nagbababad sa kuwarto ng dalaga si Mark Bautista nang magkasama ang dalawa sa isang event sa Boracay. Kasunod nito ay ang isyu na tumawag daw sa hotel na tinuluyan nina Mark at Rachelle si Christian para alamin kung may katotohanan nga ang usap-usapang ito.



When PEP (Philippine Entertainment Portal) interviewed Mark last Sunday, January 20, in ASAP ‘08, he swore to us that there's no truth to the malicious rumor.



"Definitely, that's not true," mariing tanggi ni Mark. "May event kami sa Boracay because may nag-invite sa amin for a three-day event. Si Sir Jun Pareño, manager ng Discovery Shore, and that happened before Christmas pa. Di ko alam kung saan nanggaling ‘yang issue na ‘yan.



"Yung room ko, malapit sa pool, bale pa-elevate yung mga villas; sa baba ako, sa taas naman sina Rachelle and she's with her best friend. Di ako nakapasok sa room nila saka madaling-araw ‘yon and tulog na tulog ako," paglalarawan ng singer.

Sinabi rin ni Mark na hindi lang siya nahiya kay Christian nang lumabas ang balitang ito, pero higit sa magulang ni Rachelle.



"Nung lumabas yung issue, nahiya ako sa parents ni Rachelle," sabi ni Mark. "Kasi baka kung ano ang isipin nila sa akin, na ano ba ang ginawa ko sa anak nila nung wala sila. Parang wala namang respeto kung ganun.



"Kay Christian naman, before pa kami pumunta ni Rachelle, tinext ko na siya na kasama ko si Rachelle ngayon pa-Bora. He texted back naman, na ‘O, take care of her, bro.' Nung lumbas yung issue, nagkausap kami. In-explain ko sa kanya na tinext ko pa siya na magkasama kami ni Rachelle and confident ako na walang issue na lalabas, pero hindi ko alam kung ano ang nangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa balitang lumabas na tumawag pa raw si Christian sa hotel na tinuluyan nila ni Rachelle, sinabi ni Mark na walang aamin sa isyung kumalat.



"Kung may kinausap nga siya dun at sinabing totoo, nagsisinungaling siya. Kampante ako na malinis ang konsensiya ko na di nangyari yung sinasabi nila. Magkasama lang kami ni Rachelle ‘pag nagpi-pictorial sa beach, picture-picture kami. Kasi sobrang hilig nila sa picture, e, walang humahawak sa camera, so ako ang humahawak nun. ‘Pag gabi na, late, after na nung event, after party, nauuna pa akong puamapasok sa room ko. Sa ganda ng lugar, gusto kong sulitin yung stay ko, ayokong gumawa ng milagro pa dun," mahabang paliwanag ni Mark.

Open secret na nanligaw before si Mark kay Rachelle, wala bang balak si Mark na balikan ang panliligaw sa dalaga?



"Mahirap sa ngayon. Ayokong masabihan na nakikisama pa ako sa gulo, so pinababayaan ko sila. Rachelle is a friend and whatever I felt for her before, iba na yung level ngayon, iba na ang pakikitungo ko sa kanya dahil magkaibigan kami," saad ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN