Pampanga honors three of its sons in the entertainment field

IMAGE 0


(From left) Jan Nieto, Elwood Perez, and Allen Dizon were honored by their fellow Pampangueños with the Crissot Excellence Awards for their contribution to the entertainment world.


Tatlong Kapampangan artists ang unang recipients ng Crissot Excellence Awards na ibinigay sa Sta. Ines, Bacolor, Pampanga noong Enero 21. Ang naturang parangal ay mula sa angkan ni Crisostomo Soto, binansagang Father of Pampanga Literature.

Ang mga ginawaran ng natatanging parangal dahil sa kanilang achievement sa larangan ng sining ng pelikula at musika ay sina Allen Dizon, isang matagumpay na aktor mula sa bayan ng Sta. Pampanga; Jan Nieto, runner up sa kauna-unahang Philippine Idol mula sa Angeles City; at Elwood Perez, ang award-winning movie director na taga-Mabalacat.

Ayon sa isa sa mga nagtataguyod ng awards na si Dr. Bob Aquino, ang pamamahagi ng award na ito ay gagawin na nila taun-taon upang mapalawig at mabigyang kahulugan at kabuluhan ang mga matagumpay na mga obra ni Crisostomo Soto, na kinilala sa kanyang kahusayan sa pagsusulat ng mga literary works noong kanyang kapanahunan.

Bago ipinamahagi ang mga award, nagtalumpati si Dr. Aquino. Aniya, "Ito ay para rin makapagbigay ng magandang halimbawa sa mga kabataan sa Pampanga na muling buhayin ang kinang ng literaturang Kapampangan. Sa kanyang panahon, naging magandang halimbawa si Crisostomo Soto at isa siya sa nagbigay ng karangalan sa lalawigang ito upang makikila sa kanyang kabuuan. Ako at ang mga tagapagmana niya rito sa Sta. Ines, Bacolor ay taun-taon nang magbibigay ng ganitong awards sa lahat ng mga Kapampangang nagpakita ng excellence sa sining at iba pang kahalintulad nito."

Sa kanya namang acceptance speech, sinabi ni Allen Dizon na nagpapasalamat siya sa lahat, lalo na sa kanyang pamilya sa pagtamo niya ng karangalang ito.

Ayon pa kay Allen, ibayo pang insipirasyon ang ibibigay sa kanya ng gawad-parangal dahil mula raw sa pagiging maliit na aktor, kinilala siya at binigyan ng pagkakataong ipakita ang kanyang galing at talino sa sining.

Si Allen ay nagwagi bilang Best Supporting Actor sa nakaraang Star Awards For Movies at sa FAMAS last year dahil sa mahusay niyang pagganap sa Twilight Dancers. Isa siyang laos na macho dancer na patuloy na nakibaka sa buhay kahit may kakulangan na sa pangangailangan ng kanyang propesyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jan Nieto naman ay hindi nakarating, pero dumating ang mga magulang niya upang pasalamatan ang lupong nagbigay ng parangal sa kanilang anak. Ang kanyang ina na si Dr. Ethelyn Nieto, retired Undersecretary of Health, ang nagsabing ipinaaabot ng anak ang pasasalamat sa lahat.

"Pinili ng aking anak na magtrabaho sa showbiz," kuwento ni Dr. Nieto sa kanyang acceptance speech. "Graduate ng Management Engineering si Jan sa Ateneo De Manila at dating nagtatrabaho sa Unilever Philippines bilang Trade Manager, pero pinili po niya ang showbiz dahil ito po ang hilig niya. Isa pa, alam ni Jan, mas makaka-reach out siya sa masa dahil likas pong mapagkawanggawa ang anak ko."

Sa kanyang parte naman, hinimok ni Direk Elwood Perez ang mga kabataan ng Pampanga na maging halimbawa sa halip na mga bisyo ang kanilang harapin. "Ang gawad-parangal na ito sa amin ay posibleng gumising sa damdamin ng mga kabataan upang mangarap magtagumpay," sabi ni Direk Elwood.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN