Carlene Aguilar leaves all her hatred behind, fixes relationship with Dennis

IMAGE 0


"Wala na kasing galit, ayoko nang isipin yung dating mga intriga. Masmaganda na fresh start ngayong 2008. Hindi lang para sa akin kundi parana rin sa baby [Calix Andreas]," says Carlene Aguilar.



Namangha kami nang makita namin si Carlene Aguilar sa press conference ng Marie France kanina, January 23. Malaki kasi ang nabawas sa kanyang timbang mula nang ma-interview siya ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang Disyembre. Twenty-one pounds daw ang nawala sa kanya kaya tila balik pigurang beauty queen na naman siya.

Bukod sa kanyang pagpayat, kapansin-pansin din na maaliwalas na ang kanyang dating. Hindi tulad dati na mahahalatang may kinikimkim siyang sama ng loob. Ngayon ay mababanaag na ang kasiyahan sa kanyang mukha.

"Wala na kasing galit, ayoko nang isipin yung dating mga intriga. Mas maganda na fresh start ngayong 2008. Hindi lang para sa akin kundi para na rin sa baby [Calix Andreas]," pahayag ni Carlene.

Ikinuwento rin ng dating beauty queen na nakapag-usap na sila ni Dennis Trillo, ang ama ng kanyang anak. Natapos na rin daw ang episode sa kanilang buhay na may sama ng loob.

"Nakapag-usap na kami," sambit ni Carlene. "Plans lang para sa baby. Pero yung mga nangyari, hindi na namin ibinabalik. Mas maganda nang ganoon para wala na talagang galit. Talagang okay na kami ngayon. Mas maganda rin na pagpasok ng taon, wala na sama pa ng loob, di ba?"

Hindi rin maiwasan na maitanong kay Carlene si Cristine Reyes. Matatandaang dumaan din sila sa matinding intriga noon dahil kay Dennis, pero nagkabati rin naman ang dalawa bago matapos ang 2007.

"Kung ano ang nangyari noon, yun na yun. Di na kami nakapag-usap. Pero ang maganda nun, naging maayos na ang lahat bago pa lumaki," sabi ni Carlene.

Lalong nagningning ang mga mata ni Carlene nang tanungin namin ang tungkol sa nagdaang Pasko. Ito kasi ang first Christmas niya na kasama ang kanyang four-month-old baby na si Calix Andreas.

"Sobrang saya!" bulalas niya. "Iba kasi, e. Natutuwa siya kapag ipinapakita ko sa kanya yung binubuksan kong gifts niya, pati yung ilaw ng Christmas tree. Sobrang nakakatuwa talaga!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong nasa ayos na ang lahat, bumalik na rin ang "fighting form" ng Bb. Pilipinas 2005. Ready na kayang magpaligaw ulit si Carlene? Biniro pa nga namin kung nililigawan ba siya ulit ni Dennis.

"Hindi, ‘no!" tawa niya. "Yun pa! Ewan ko sa kanya. Basta ako, masaya ngayon. I go out, kaya lang with friends, I have fun. Basta, secret na lang muna."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN