Ogie Alcasid talks freely about girlfriend Regine Velasquez

IMAGE 0


"My ultimate song for her is ‘For the First Time' by Kenny Loggins.Ang ganda-ganda ng lyrics at bagay na bagay sa amin. Parang 'andyan kalang pala all these years... Naiiyak ako ‘pag naririnig ko ang song,especially ang line na ‘I have been looking at you forever yet I neversaw you before,'" says Ogie Alcasid about his inamorata, Regine Velasquez.


Kung hindi "Songbird" ay "Hon" (short for Honey) ang terms of endearment ni Ogie Alcasid sa kanyang girlfriend na si Regine Velasquez. Maraming beses siyang naringgan na tinawag ng ganoon si Regine sa presscon ng My Funny Valentine, ang concert ni Ogie with Vernie Varga, Diana Zubiri, and Ai-Ai delas Alas sa Ferbuary 8.



Napansin din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na love ni Ogie na pag-usapan ang mga kakikayan at kung anu-anong ginagawa ng babaeng mahal. Nangingislap ang mga mata ng singer-comedian habang nag-flashback sa una niyang pagtingin sa Asia's Songbird, at kung paano siya na-in love.



"Bata pa ako, crush ko na siya at nakakasama sa mga show dati," biro ni Ogie. "Pero bago ko siya maligawan, nagkahiwalay na kami ng landas. Marami siyang pinuntahan at iba rin ang pinuntahan ko. Nagkasalubong lang uli ang landas namin sa SOP na."



Ano ang nagustuhan niya kay Regine?



"Isa siya sa may pinakamalakas na sex appeal sa female celebrities. Hindi mo ma-define what makes her sexy. I think it's her totality at ang maganda, parang hindi niya alam na sexy siya," papuri ni Ogie sa kasintahan.



Ano naman ang nagustuhan ni Regine sa kanya?



"Alam mo ‘yon, parang bulag. Ang tingin niya, mas guwapo pa ako kay Brad Pitt!" natatawa niyang sagot.



OPEN RELATIONSHIP.
Matagal na ang relasyon nila ni Regine, bakit natagalan sila bago umamin?



"May hinihintay ako na documents from Australia at tinapos ko pa ang bahay dun para sa mga anak ko. Takot din kami sa magiging reaction ng tao at kay Regine, pero di ko na puwedeng pigilan [yung nararamdaman ko]," seryoso niyang sabi.



Divorce na sina Ogie at ang dati nitong asawa na si Michelle van Eimeren sa Australia five months ago. Ang annulment na lang nila dito sa Pilipinas ang kanilang hinihintay. Pati ang ex-wife ni Ogie ay hindi raw maintindihan bakit natatagalan madesisyunan ng korte ang tungkol dito bagama't four years naman na silang hiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang nakabinbin na annulment din ang rason kung bakit pinagbawalan na si Ogie ng kanyang lawyer to talk about their marriage plans ni Regine.



"We have to be careful. Okay lang kung about our relationship ang ikukuwento namin sa press, huwag lang ang marriage plans," paliwanag ni Ogie.



So, ano ang status ng relationship nila ni Regine? Are they living in? Nag-i-sleepover ba sila sa kani-kanilang mga bahay?



"We're not living in," paglilinaw niya. "Pero siyempre, dinadalaw ko siya sa bahay niya. May residence din naman ako at sa bahay ng parents ko uli ako nakatira ngayon. Maliit ‘yon at nakakahiya kung dadalhin ko pa si Songbird dun.

"Sleepover? Minsan, pumupunta ako sa kanila," pahabol ni Ogie.



May boyfriend na ba si Michelle?



"Basta, she's very happy with her life right now," sagot niya. "Hindi ko puwedeng sabihin kung may boyfriend na siya. Sa bahay na ipinagawa ko sila nakatira ng mga bata. Yes, two houses ang ipinagawa ko—one for my in-laws—dahil ipinangako ko sa kanila ‘yon.



BABY TALK. Suwerte ang PEP na sa presscon ng My Funny Valentine concert ni Ogie ay naging game ang 40-year-old singer-comedian sa pagsagot ng mga tanong tungkol sa kanila ni Regine. Careful lang siya sa most personal things at sumusunod lang daw siya sa kanyang lawyer.

Maganda ang sagot ni Ogie sa tanong kung puwede pang manganak si Regine.



Aniya, "I hope so. She's turning 38 on April 22 at i-pray natin na puwede pa siyang manganak. Gusto ko kambal agad at puwede ‘yon sa in vitro [fertilization]."



Kay Ogie sinabi ng PEP ang comment ng fans na sabihang mag-diet si Regine because she looks big on screen. Pero sabi nito, payat na ang nobya at mas sexy ngayon with her short hairstyle na a la Victoria Beckham.



Ang next question ng PEP kay Ogie ay kung ano ang song niya kay Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"My ultimate song for her is ‘For the First Time' by Kenny Loggins. Ang ganda-ganda ng lyrics at bagay na bagay sa amin. Parang 'andyan ka lang pala all these years... Naiiyak ako ‘pag naririnig ko ang song, especially ang line na ‘I have been looking at you forever yet I never saw you before,'" lahad ni Ogie.



Samantala, posible pa ring magkasama sina Ogie at Regine sa February 14 dahil gustong isama ni Ogie ang nobya sa kanyang show sa Iloilo. Ang show sa probinsiya ang susunod sa pre-Valentine's day show niya sa ballroom ng Crowne Plaza Hotel sa February 8, My Funny Valentine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN