Piolo Pascual challenged by first team-up with Angel Locsin in "Lobo"

IMAGE 0


"More than the pressure, I guess the challenge to come up with something new, something beautiful and something really interesting, especially since its Angel's first," says Piolo Pascual about his project with Angel Locsin in ABS-CBN.



Kung ganda ng trailer ang pagbabasehan, puwedeng-puwedeng sabihin na todo-todo ang paghahandang ginawa ng ABS-CBN at Star Cinema sa isa sa tatlong bagong primetime series na bubuksan ng Kapamilya network sa Lunes, January 28. Ito ang Lobo na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Angel Locsin.

Sinang-ayunan nga ni Piolo ang aming obserbasyon at sinabi niya kung gaano nila pinaghirapan at binusisi nang husto ang Lobo bago ito tuluyang ipalabas.

Ayon kay Piolo, "They [ABS-CBN] don't want to compromise. Every scene, talagang pinag-aralan. We took our time. We started taping September and it's January...four months na bago ipinalabas. We're just happy with how the management is treating the story or the soap. Talagang tutok. May mga baril-baril siyempre, pero talagang parte ‘yon, e. Hindi naman puwedeng isalang lang na basta-basta."

Ito ba ang naging reason kung bakit na-postpone ng ilang beses ang airing ng Lobo?

"Hindi ko alam ang reason," pag-amin niya. "I think, the reason kung bakit na postpone is that gusto nga nilang pagsabay-sabayin yung tatlong soaps [Lobo, Palos, and Kung Fu Kids]."

Dagdag ni Piolo, wala raw kinalaman dito ang rating issue between ABS-CBN ang GMA-7.

"I doubt. Pinagsabay-sabay lang nilang talaga ang tatlong shows, na mas maganda na isang linggo kung sabay-sabay yung presscon, sunod-sunod na ipapalabas kaysa hiwa-hiwalay," paliwanag niya.

Ramdam niya ba yung pressure na tila sa taas ng expectation sa Lobo ay kinakailangang mag-rate talaga ito ng mataas?

"Every show naman that you do, you want [it] to rate," sabi ni Piolo. "Every show, gusto mo na matanggap ng tao. We're just praying for the best. We hope na... Of course, we have something that's really nice, that's really worth watching at sana makita rin ng tao ‘yon."

Masasabi niya bang mas malaki ang pressure dito sa Lobo kung ikukumpara sa ibang shows na nagawa na niya before?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, marami pa namang nakaka-pressure," sagot ni Piolo. "Siguro pressure in a way na first time ni Angel sa atin [ABS-CBN]. So, mas dagdag yun na challenge. More than the pressure, I guess the challenge to come up with something new, something beautiful and something really interesting, especially since its Angel's first. I guess, the management naman keeps up with the promise of giving our audience something new and something really interesting."

ANGEL LOCSIN. Speaking of Angel, sa palagay ba ni Piolo—bilang pinakaunang leading man ng young actress sa ABS-CBN—naipaparamdam niya rito kung paano ang maging isang Kapamilya?

"She feels that," sambit ng matinee idol. "Kahit hindi ko man gawin, nakikita niya yung support na ibinibigay sa kanya ng Star Cinema at ng ABS-CBN. I know and I feel that she's at home, that she's here. Never siyang binigyan ng cold shoulder ng kahit na sino rito at nakikita ko sa kanyang relaxed siya. At hindi siya yung tipong namamahay, so kung nasa ASAP siya, she gets along with everyone. Kina Anne [Curtis], kina Sarah [Geronimo], and even John Prats.

"Sa set naman, sa soap, masaya kami...masaya siyang kasama. Nakikita ko namang okay siya, so I guess...that's it," bitin na sabi ni Piolo.

Tinanong din namin si Piolo kung sa palagay niya ay walang dapat pagsisihan si Angel sa naging desisyon niyang paglipat ng network.

"Nasa tamang edad naman na siya para gumawa ng isang risk, e.. Kahit sino naman, kahit ako man ‘yon, kung sa tingin ko dapat kong gawin, gagawin ko ‘yon; and I support her. Makikita mo rin naman ang character ng isang tao dahil alam mong para sa kanya at talagang gusto niya at ikabubuti niya. I think tama ang ginawa niya," pahayag ni Piolo.

LESS PRESSURE. Kung titingnan, puwedeng sabihin na ang tagumpay ng Lobo ay mas nakaatang sa balikat ni Angel since ito ang kauna-unahang teleserye niya sa Kapamilya network simula nang lumipat siya mula GMA-7. Tipong kung mag-succeed, puwedeng sabihin na nakalusot si Angel sa mga batikos sa kanya. Ano ang masasabi ni Piolo sa bagay na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't want to think that way, but of course, face value, alam mong mas may pressure sa kabila. But I feel the pressure kasi dalawa kaming bida rito. And like what I said, more than the pressure, it's the challenge to come up with something new," rason ni Piolo.

Kung siya ang may choice, ano ang mas gugustuhin niya, yung pinag-uusapan ang Lobo pero mababa ang rating o yung rating pa rin ang mas namamayani?

"Wala... Siyempre, mas gusto ko yung panalo lahat. Enjoy tayo. Enjoy yung network. Pag-usapan ka man is because of the good reasons. Yung rating... Sana nga, hindi na nagma-matter yun kasi at the end of the day, ang mahalaga naman ay yung makagawa ako ng isang dekalidad na trabaho, yung dekalidad na soap. Five or ten years from now, hindi naman pag-uusapan yung rating, yung pag-uusapan yung soap na ginawa, yung istoryang ginawa," pahayag ni Piolo.

Naitanong din ng PEP kay Piolo kung sa pagsasama nila ni Angel ngayon at sa posibleng follow-up projects pa nila, posible kayang si Angel na nga ang bagong tatatak na ka-loveteam niya after Judy Ann Santos?

"We can only pray for that," sambit niya. "I've done a lot of movies with Juday. I've done a lot of shows with Claudine [Barretto]. I always welcome a new partner, especially with Angel. It's interesting. It's something interesting."

Pero nilinaw ni Piolo na tila binabakuran na niya si Angel at sila lang talaga ang puwedeng magka-partner.

Aniya, "I'm thrilled to be working with her and given the kind of importance that Star Cinema is giving her. Masuwerte ako dahil ako ang nakasama niya sa soap na alam kong magastos dahil si Angel ‘yan. ‘Tapos sa movies din.

"If ever, sana magkaroon ng chance na maging solid yung team-up namin. And, of course, I'd like her to work also with other stars. Sila John Lloyd [Cruz], sila Sam [Milby], and other stars of ABS-CBN... And even the other stars of ABS like sina Juday, sila Claudine Barretto, because she deserves to work with the best.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, parang ako, I don't want to limit her also," pagtatapos ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN