Is Shaina Magdayao the new Gretchen Barretto?

IMAGE 0


Young actress Shaina Magdayao (in photo) is now being tagged as the new Gretchen Barretto. "We will see kung ano'ng mangyayari at kung susunod nga ako sa kanya," says Shaina.


Bag na ayaw sabihin ang brand—dahil baka magalit daw ang ini-endorse na Secosana bag—ang Christmas gift ni John Prats kay Shaina Magdayao. Pero kahit marami nang nairegalo sa kanya ang young actor, hindi pa raw boyfriend ni Shaina si John.



Sa presscon ng Lobo kahapon, January 23,naurirat nang husto si Shaina sa kanila ni John. Pero wala pa ring nadinig na pag-amin ang press sa kanya. Hanggang ngayon, nanliligaw pa rin daw ang binata sa kanya, kahit natsismis na pumupunta siya sa bahay ni John. Ang sinabi lang ni Shaina, sa lahat ng manliligaw niya, si John ang pinaka-pursigido sa lahat at closest sa kanya.



Wala rin daw siyang ma-comment sa diumano'y paggi-give up at pagtigil ni Rayver Cruz sa panliligaw sa kanya. Mas makabubuti raw kung si Rayver mismo ang magsasalita. Pero inamin ng dalaga na hindi na sila masyadong nagkikita ng dating ka-loveteam, lalo na ngayong busy siya sa Lobo.



First time gumanap ng adult role si Shaina at may kissing scene pa siya kay Piolo Pascual. Nagingig daw siya nang kinukunan ang eksenang umabot ng four takes. Pero simula na ba ng pagpapa-sexy niya ang role niya sa Lobo? Siya rin daw ang bagong Gretchen Barretto. Any comment?



"Depende sa project, pero hindi totally bold," sagot niya. "Sexy is okay, being daring is not okay. Kaya kong mag-kissing scene, pero hindi torrid. Nagpa-sexy din ako lately, pero sa covers lang ng magazines.

"Wow naman kung ang tingin n'yo, ako ang bagong Gretchen Barretto! Salamat naman. We will see kung ano'ng mangyayari at kung susunod nga ako sa kanya," pagtatapos ni Shaina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN