Rachelle Ann Go belies malicious rumor about her and Mark Bautista

IMAGE 0


Young singer Rachelle Ann Go clarifies report that Mark Bautista (inset, top) spent a night or two with her during their show in Boracay. Rachelle also talks about her ex-boyfriend, Christian Bautista (inset, bottom), who she says is still her friend.


Natatawa lang si Rachelle Ann Go sa kumalat na balitang pinapasok daw niya sa kanyang hotel room sa Boracay si Mark Bautista noong mag-show sila roon last December.

Ayon kay Rachelle, imposible raw na mangyari ‘yon dahil ang kasama raw niya sa kanyang room sa Discovery Shores sa Boracay ay ang kanyang best friend na babae. Hindi raw sila naghiwalay throughout their stay there.

"Natawa ako na nainis kasi wala namang gano'n na nangyari sa Boracay," sabi ni Rachelle sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nag-show kami doon nina Mark a few days before Christmas. Three-day event kasi ‘yon. Yung room kasi niya [Mark], nasa ilalim lang ng room namin. ‘Tsaka never naman umakyat si Mark sa room namin, e.



"Nagkikita na lang kami kapag kakain na kami ng grupo or may papasyalan kami. Mostly, nagpi-pictorial kami sa beach. Ang ganda kasi ng lugar. Sayang kung wala kaming souvenir, di ba? Si Mark yung naging photographer namin sa Boracay. Pero never siyang nakapasok sa room ko.



"Lalo na at nasulat pa na madaling-araw daw ako inakyat ni Mark. Hindi totoo, kasi nga sa sobrang pagod ko after ng show, nakakatulog na kaagad ako. Pati yung best friend ko, tulog na rin. Kaya walang puwedeng mangyari doon sa loob ng room ko kasi tulog na nga kami," salaysay ng young singer.



May nagsabi kay Rachelle na kung hindi siguro sila naghiwalay ng kanyang boyfriend na si Christian Bautista ay baka walang ganitong tsismis na kumalat. Naging manliligaw din kasi ni Rachelle noon si Mark bago naging sila ni Christian.



"Siguro nga," pagsang-ayon ng dalaga. "Kasi nga, parang nakakagulat na biglang may ganyan na tsismis. Just because nanligaw si Mark noon sa akin, it doesn't mean na okay na akong magpaligaw ulit. Hindi naman ako ganung klaseng tao."



Nahiya nga raw si Mark kay Rachelle dahil sa kumalat na tsismis. Pero mas nahihiya raw ito sa ex-boyfriend ni Rachelle na si Christian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Mark mentioned nga na he texted Christian na magkasama kami sa Boracay for a show. Kinukumusta nga raw niya ako. Nahiya si Mark kasi bigla pang may tsismis na kumalat na hindi maganda. But it wasn't Mark's fault. May gumawa lang talaga ng tsismis," sabi ni Rachelle.



Speaking of Christian, kahit wala na raw silang relasyon ay tuloy pa rin ang mga shows na magkasama sila. In fact, this Valentine's Day ay may show sila, kasama sina Erik Santos at Sarah Geronimo.



"May mga shows din kami sa U.S. na gagawin this year. Kaya okay lang kami kahit wala na kaming relasyon. Professional kaming mga tao kaya hindi naming papabayaan na maapektuhan ang trabaho namin," diin ni Rachelle.



So it means na hindi na rin tuloy ang dapat na pelikulang pagsasamahan nila ni Christian sa Regal Entertainment?



"Baka nga hindi na," sambit ni Rachelle. "Ewan ko, kasi hindi ko naman alam kung serious ba ang offer na ‘yon from Regal. Tama lang siguro na nagkakatrabaho kami Christian sa mga concerts. We're more okay siguro na kumakanta. Pero si Christian kasi, nasubukan na niyang umarte. Puwede naman yata siyang i-pair sa iba when it comes to movies."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN