Janus del Prado on ex-girlfriend Carla Humphries: "Ayoko nang madikit pa sa pangalan niya."

IMAGE 0


"Sa akin, respeto lang naman ang hinihingi ko sa kanya at sinseridad.Kung di niya maibigay ‘yon, di ko talaga siya puwedeng maging kaibigan.To be honest, disappointed ako sa mga ginagawa niya because I didn'texpect it from her that she will go that far," says Janus del Prado about ex-girlfriend Carla Humphries.



Dalawang taon na ang nakalilipas nang mauwi sa breakup ang relasyong Janus del Prado at Carla Humphries, pero hindi pa rin nagkakasundo ang dating magkasintahan hanggang ngayon.

Sa huling panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Carla sa presscon ng Palos ay sinabi nito na gustuhin man niyang makipag-usap sa ex-boyfriend ay si Janus daw ang ayaw makipag-ayos sa kanya. Umaasa pa nga ang dalaga na kahit yung friendship na lang sana ay naipagpatuloy nilang dalawa ni Janus.



Nang si Janus naman ang nakausap ng PEP sa presscon ng Lobo last Wednesday, January 23, nagpahayag ang young actor na handa siyang makipag-usap at makipag-ayos kay Carla sa isang kundisyon.

"Puwede siyang makipag-usap, pero walang nakaharap na press or may nakaharap na mga tao. Makipag-ayos siya ‘pag kaming dalawa lang, di yung pinapansin niya lang ako sa tuwing may tao lang. Ang dating tuloy ‘pag may ibang tao, ako yung pag-iisipang di namamansin, ako yung suplado," pahayag ni Janus.



Naikuwento rin ni Janus na ang higit na ikinasama ng loob niya kay Carla ay nasa blog nito at naka-post ang mga negative reactions sa kanya ng ibang mga tao.



"Magtu-two years na kaming wala, pero hanggang ngayon, ‘pag nag-type ka ng name ko sa Internet, lilitaw yung mga blog sites niya at ang daming negative na nakasulat pa rin about me. Sabihin na lang na di siya ang nagsulat nun, pero siya yung nai-interview at kung ayaw niya talagang mabasa ‘yon ng mga tao, di niya ilalagay sa blog.

"Sa akin, respeto lang naman ang hinihingi ko sa kanya at sinseridad. Kung di niya maibigay ‘yon, di ko talaga siya puwedeng maging kaibigan. To be honest, disappointed ako sa mga ginagawa niya because I didn't expect it from her that she will go that far," diretsong sabi ng dating child actor.

Dagdag ni Janus, sa mga nangyari sa kanila ni Carla, wala na raw talaga ang pagmamahal niya sa ex-girlfriend. Ayon kay Janus, ang higit ding ikinaiinis niya ay kung bakit kasali pa rin siya sa interviews ng young actress at nakadikit pa rin dito ang pangalan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Naiinis lang ako na iba na ang ka-loveteam niya, ngayon ay iba na rin ang career path na tinatahak niya, pero nakadikit pa rin ang pangalan ko sa kanya. Ayoko nang madikit pa sa pangalan niya kasi I have my own life na rin. Hindi rin kasi nakaka-move on yung ibang mga tao, especially yung mga naging fans namin noon, yung mga Jarla loveteam. Ako naman, sumasagot lang ako ‘pag tinatanong ako," paliwanag ni Janus.

Inamin din ni Janus na may bago na siyang girlfriend ngayon.

"I'm happy now, may bago na akong girlfriend, her name is Michelle Murenc of Cool Chicks. Nag-one month kami last January 18," pagbabalita niya.



Hanggang ngayon ay isa pa ring question mark ang rason ng paghihiwalay nila Janus at Carla. Totoo ba na third party sa parte ni Carla ang dahilan?

"May mga kaibigan akong nagsabi sa akin, pero di ako naniwala," sabi ni Janus. "But I didn't believe it kasi mahal ko yung tao, bakit mo pagdududahan? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako naniniwala, pero nagtataka ako kung bakit siya nakipag-break. Wala siyang ibinigay na rason sa akin. Magkasama kami at masaya kami the day before siya nakipag-break. Siguro ‘yon ang rason kung bakit hindi ko kayang tanggapin noong una kasi bigla na lang. 'Kala ko nasa peak kayo ng relationship, ‘tapos biglang ayaw na niya."

For Janus, it is a learning experience kahit nga sobra-sobrang pain talaga ang pinagdaanan niya sa nangyari sa kanila ni Carla.



"Dati kasi, ang bilis-bilis kong magtiwala. I mean, nung time na naging kami may non-showbiz girlfriend ako nun, so I got deceived, na-manipulate ako. Yun ang naramdaman ko. Just like I've said, kung nakita ko yung sincerity, hindi naman ako magtatanim ng sama ng loob. The problem is nagagamit pa kasi yung breakup namin, feeling ko pinasasama niya yung image ko just to uplift her image," sabi ni Janus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon niya sa pagbabagong-image ngayon ni Carla into more matured and daring roles?

"As if I care? Ako, I don't care at all," diretsong sagot ni Janus.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN