Singer Jan Nieto loveless for three years now

IMAGE 0


Philippine Idol runner-up Jan Nieto has been loveless for the past three years and he attributes this to his new career as a singer.



Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa singer na si Jan Nieto, inamin nito na tatlong taon na siyang walang lovelife. Aniya, ang trabaho niya noon bilang marketing trade manager sa Unilever Philippines ang naging dahilan kung bakit nag-split sila ng huli niyang naging girlfriend.

"Alas-siete y medya pa lang po, nasa work na ako. Natatapos ako mga 10 p.m. na, kaya nawalan talaga ako ng time. I didn't want to be unfair to her, so we called it quits. Nasaktan po kami pareho but that left me with no choice. Sabi ko, I am still young baka hindi pa time ‘yon," lahad ni Jan.

Pero tatlong taon matapos nilang mag-break, heto at wala pa ring kapalit sa puso ni Jan. Sinadya ba niya ‘yon o talagang pihikan lang siya?

"Nagkataon po kasing naging busy ako sa Philippine Idol noon, sumali po kasi ako. Ako po kasi, ever since, hilig ko na ang pagkanta, so sinubukan ko. Natanggap naman, kaya ibinuhos ko dito yung buong time ko," kuwento ng singer na naging runner-up ng nanalong si Mau Marcelo sa Philippine Idol.

Ngayon ay regular na siyang napapanood sa SOP, kung saan nakikipagsabayan siya sa ilan sa pinakasikat na singers ng bansa gaya nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jaya, Kyla, Jay-R, at ang kapwa niya runner-up sa Philippine Idol na si Gian Magdangal. Feeling ni Jan, talagang natupad na ang pangarap niyang inasam noon pa lang.

"Bata pa po ako talaga, gusto ko na [kumanta]. But I was trained to prioritize things. Sa pamilya namin, bunso po ako at talagang full attention sa akin ang parents ko kaya sa pag-aaral talaga natuon ang pansin ko. I really gave my best shot at hanggang sa natapos ko ang kurso ko, hindi talaga ako nagpabaya," sabi ni Jan.

Ayon pa kay Jan, masipag at masigasig talaga siya sa pag-aaral noon. "Not even once na hindi ako nagseryoso sa studies ko," sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinang-ayunan naman ito ng ina ni Jan na si Dr. Ethelyn Nieto, na dating Undersecretary ng Department of Health.

"May disiplina siya. He brought home a lot of medals at marami pang sertipiko ng scholastic achievements. Hindi talaga niya kami binigo. Napakabit niyang anak. He deserves what he is getting now," papuri ni Dr. Nieto sa anak.

Napag-alaman din namin mula kay Dr. Nieto na mula prep hanggang nakatapos ng Management Engineering si Jan ay sa Ateneo de Manila ito nag-aral.

"But he is so humble," sambit ni Dr. Nieto. "Noong kasagsagan ng Philippine Idol, ni ayaw niyang ipagbanggit ito. Huwag na lang daw dahil ang pagkanta niya ang dapat mangibabaw, which I believe is right."

Sabi naman ni Jan, "My image during the Philippine Idol ay ako yung regular guy who just wanted to try singing. Palagay ko, yun talaga ‘yon dahil kahit paano, napatunayan ko naman... And I thank Philippine Idol a lot for giving me the breaks."

Sa pagtuntong niya sa GMA 7 bilang Kapuso artist, bagong challenges ang haharapin ni Jan.

"I believe that, talaga pong natsa-challenge ako," ani Jan. "I know that it will take time for me to be given the recognition, but I am trying very hard. Una na po yung I am trying to bond with them, para hindi po kami magkailangan Pangalawa po talaga, I really have to give my best here para makahabol sa kanila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN