Mike Tan wants to renew friendship with ex-girlfriend LJ Reyes

IMAGE 0


"Mahirap na yung magsisimula ulit kayo, pero biglang mangyayari ulit yung nakaraan. Ayoko na kasi painful for both of us. Tama na yung maging magkaibigan ulit kami. Yun ay kung okay lang kay LJ," says Mike Tan about ex-girlfriend LJ Reyes.



Kahit matagal nang natapos ang relasyon nina Mike Tan at LJ Reyes, hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang maging magkaibigan ng dalawa. Ayon kay Mike, hindi raw nagkaroon ng closure ang relasyon nila ni LJ.



Ten months tumagal ang relasyon nina Mike and LJ na nagsimula noong StarStruck 2 at hindi naging maganda ang pagtatapos nito. Ayon sa kuwento ni Mike sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ay masyado raw "impersonal" ang pakikipag-break ni LJ sa kanya.



"Si LJ naman ang nakipag-break sa akin," pag-amin ni Mike. "Hindi siya yung usual na breakup ng magsyota, e. Kaya for me, hindi kami totally nagkaroon ng closure. Impersonal kasi ang nangyaring breakup namin.

"After that, hindi na kami nagkibuan talaga. Kahit na magsalubong kami sa GMA studios, hindi niya ako pinapansin. Kahit kumustahan sa text, wala na rin. Totally nawalan na ako ng communication with LJ."



Nagiging civil naman daw sa isa't isa sina Mike at LJ kapag may guestings sila na magkasama. Onscreen ay okay raw silang tingnan, pero off screen ay hindi raw sila nag-uusap.



"Ayoko naman siyang pilitin na kausapin ako," sabi ni Mike. "I tried na before, pero napahiya lang ako, e. Kesa naman mapahiya ulit ako, hindi na ako nag-effort pa. Nagawa ko naman na ang dapat as a gentleman. Pero kung ayaw talaga ng tao, huwag na nga lang."



Inamin din ni Mike na may sama pa siya ng loob kay LJ. Hindi raw kasi malinaw sa kanya kung ano ang nag-trigger kay LJ at nakipag-break ito sa kanya noon.



Paliwanag niya, "Noong mga panahon na ‘yon, pareho naman kaming busy talaga. Nagkasama pa kami sa ilang TV shows like SOP, Love To Love, and Sugo. Aside doon, may mga sarili pa kaming mga trabaho. Nagkulang kami sa oras sa isa't isa kasi nga, sunud-sunod ang trabaho namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nagkakaproblema na rin kami that time," patuloy ni Mike. "Mga personal reasons ‘yon. Then one day, ayaw na raw niya. Tinanong ko siya kung bakit at ano ang ayaw niya. Hindi na siya sumagot. Up to this day nga, hindi ko alam kung ano talaga ‘yon."



May mga nagsasabi na may kinalaman ito sa pamilya ni Mike. Naramdaman daw ni LJ na ayaw ng family ni Mike sa kanya at hindi raw siya ipinaglaban ng dating boyfriend.



"Hindi naman siguro," tanggi ng StarStruck 2 Ultimate Male Survivor. "Kasi okay naman si LJ sa mommy at mga kapatid ko. Wala naman silang sinasabi sa akin na hindi nila gusto si LJ. If ever, ako ang unang makakaalam at ipaglalaban ko talaga siya. Bakit ko naman siya pababayaan, di ba?"



Kung bibigyan daw ng chance si Mike, gusto niyang maging magkaibigan ulit sila ni LJ. Pero wala naman daw siyang plano na balikan ang dating girlfriend after makipag-break ni LJ kay Alfred Vargas.



"As a friend na lang talaga," paniniguro ni Mike. "Hindi nga kami nag-work out noong una, e. Mahirap na yung magsisimula ulit kayo, pero biglang mangyayari ulit yung nakaraan. Ayoko na kasi painful for both of us. Tama na yung maging magkaibigan ulit kami. Yun ay kung okay lang kay LJ."



Kasama si Mike sa cast ng GMA-7 afternoon soap opera na Maging Akin Ka Lamang. Kasalukuyan ding isinu-shoot ni Mike at ng Studs ang kanilang workout/exercise video na ire-release via DVD and VCD.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN