Shaina Magdayao refutes "pasaway""accusation

IMAGE 0


"Nagkakandarapa nga po ako kung paano ako magiging responsible at kung paano ko mapapasaya ang pamilya ko. So, paano ako magiging pasaway?" explains Shaina Magdayao in reaction to reports that she has turned hard-headed.



Nagisismula nang magbago ng image ang dating child star at isa sa may pinaka-wholesome image among the young stars of ABS-CBN na si Shaina Magdayao. Sa bagong primetime series na Lobo, na magsisimula ngayong gabi (January 28), unang matutunghayan ang pagbabagong-bihis ni Shaina. The 18-year-old actress will be playing the role of a 23-year-old character.

Pero nilinaw ni Shaina na ang pagbabago ng image niya ay hindi upang maging sexy o daring, kundi pagiging mature. Pero, tila kasabay sa pagsi-shift ng image ni Shaina from pa-tweetums to a mature woman ang ilang intriga tungkol naman daw sa pagbabago ng attitude niya. May mga nasusulat na nagiging pasaway na raw ang dating sweet na sweet na young actress.

Sabi naman ni Shaina, aware na siya na may mga ganung komento sa kanya, pero alam naman niya, especially in showbiz, that she cannot please everybody.



"Actually, how pasaway?" tanong ni Shaina, tila nalilito.



Binanggit ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya ang pagkawala o pag-alis ng kanyang yaya na si Nanay Vi, na since birth ay kasa-kasama na niya at nagpalaki rin sa kanya. Dahil sa pagiging pasaway raw ni Shaina kaya umalis ito.

"Well, yun po, yung sa akin po, hindi po ako ang nagpasabi sa kanya. It was my parents' decision. At usapan po namin ‘yon before pa na when I turn 18, I have to be responsible na," paliwanag ni Shaina.


Isang paraan na rin daw kasi ‘yon ng mga magulang ni Shaina para maging responsible at independent siya. At ang naipon niyang pera mula sa pag-aartista niya noong bata pa lamang siya ay nai-turnover na rin sa kanya ng mga magulang.



"Noong nag-eighteen ako, ibinigay na rin po nila sa akin ang pera ko, kahit hindi ko naman po hinihingi. Sabi ko nga, okay lang. ‘Tapos, ibinigay pa rin nila sa akin lahat. Si Nanay [Vi] naman po, umuwi po siya sa kanila ngayon. Pero noong time na hindi po siya sumasama sa akin, nasa bahay lang po siya," kuwento ni Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



So, walang katotohanan ang isyu sa kanya na nagiging pasaway na siya?



"Hindi," tanggi niya. "Nagkakandarapa nga po ako kung paano ako magiging responsible at kung paano ko mapapasaya ang pamilya ko. So, paano ako magiging pasaway?



"Actually, doon ko nga po na-realize na maski gaano pa ako magtrabaho para lang i-please ang lahat ng tao, I have to accept the fact na hindi ko mapi-please ang lahat dahil tao lang naman ako, e."

Samantala, natatawa na lang si Shaina kapag may nagbibiro sa kanyang at her age, mayaman na siya at may sarili pang mga negosyo. Aside kasi sa kanyang sariling branch ng Ystilo Salon, meron din siyang sariling apartment na pinauupahan.



"Hindi naman po!" natatawa niyang sabi. "Yung sa apartment po, it's open na. Twenty units po siyang talaga, pero yung church po kasi sa likod, sinakop yung dalawang units. So hindi ko na po binawi. Kasi baka mamaya, bawiin din ni Lord yung blessing niya sa akin. Noong nag-renovate po kasi sila, nalakihan nila. So, sabi ko, ido-donate ko na lang po. Kaya 18 units na lang po yung apartment."



Catholic church daw ang nakasakop sa lupa niya, pero aniya, kahit anong religion sect ‘yon, wala raw kaso sa kanya. Church pa rin daw ‘yon kaya ido-donate pa rin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN