Ara Mina not in favor of Willie Revillame for sister Cristine Reyes

IMAGE 0


"It's more of barkada, e. Kasi alam naman niyana bata pa yung kapatid ko, e. Kaya nagloloko siya sa akin, ‘Ate,hintayin ko.' Sabi ko naman sa kanya, ‘Ate ka diyan!'" says Ara Mina about reports that Willie Revillame (inset, below) is courting her younger sister, Cristine Reyes (inset, top).


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sexy actress na si Ara Mina pagkatapos niyang mag-guest sa birthday celebration ni Willie Revillame sa Wowowee last Saturday, January 26. Dahil sa presence ni Ara sa special moment na ‘yon ni Willie, nagduda ang marami na talagang may relasyon nga ang TV host at ang nakababatang kapatid ni Ara na si Cristine Reyes.

Hindi puwedeng lumabas nang live si Cristine sa show ni Willie sa ABS-CBN dahil sa kontrata nito sa GMA Artist Center, ang talent arm ng GMA-7, kaya si Ara na lang daw ang naging representative ng kanyang kapatid. Itinanggi naman ito ni Ara at saka nagbigay ng birthday wish for Willie.



"I wish him all the best. Sana hindi na siya maintriga," umpisa ni Ara.



Biro namin, at para hindi na rin maintriga sina Willie at Cristine?



"Hindi," sagot ni Ara. "Kasi barkada naman talaga kaming tatlo, e. Alam naman nating lahat na crush niya si Cristine. Pero alam naman ni Cristine kung saan siya lulugar."



Naintriga naman ang marami nang si Cristine ang huling nagbigay ng mensahe para kay Willie sa ipinalabas na VTR kasama ng naglalakihang artista gaya nina Star for All Seasons Vilma Santos, Megastar Sharon Cuneta, at Diamond Star Maricel Soriano.



"E, siyempre crush nga ni Pappi [Willie]. Siyempre, kung crush niya, yun ang huli," nakangiting sabi ni Ara.



Ano ang nararamdaman ni Ara tungkol dito bilang kapatid ni Cristine?



"E, basta alam naman ni Pappi na tumatawa-tawa ako," matipid niyang sagot.



Boto ba siya kay Willie para sa kapatid niya?

"Hindi!" natatawang sagot ni Ara. "Niloloko ko siya. Sabi ko, ‘Pappi, my age plus her age equals your age!' Pero ano naman, siyempre pagdating sa lovelife ng kapatid ko, ayoko nang makialam. Ayoko nang mangialam kasi magkakaroon naman siya [Cristine] ng lesson sa mistake niya if ever, di ba, like what happened before?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"But there's nothing going on between them. Boto ako kay Willie as a friend," giit niya.



What about as lover?



"Hindi ko pa masagot," ani Ara. "Kasi minsan si Willie, hindi namin ma-ano kunwari kung seryoso o hindi. Basta masarap siyang kasama. Parang, ‘Ano ba? Seryoso ka ba diyan?'"



Alanganin ba kung saka-sakaling magkaroon ng relasyon sina Cristine at Willie?



"Hindi naman alanganin," paliwanag niya. "Kaya lang siyempre, ano rin, may kaso rin siya na annulled ba or ano? E, ang hirap. Ang hirap sagutin." Ang tinutukoy ni Ara ay ang annulment ng kasal ni Willie sa beauty queen na si Liz Almoro.



Never ba na nagkuwento sa kanya si Cristine ng tungkol sa kanila ni Willie?



"Hindi, ano, ‘pag nagkuwento lang siya. E, dumadalaw siya [Willie] sa shooting namin ng Ate. Kasi ganun naman siya, e, after work wala naman siyang nakakasama. Lahat ng staff niya, ‘tapos enjoy siya na kasama kaming magkapatid. Minsan nanonood kami ng sine, kaming tatlo. ‘Tapos yung grupo niya, ganoon," lahad ni Ara.



So, open sila kapag lumalabas?



"It's more of barkada, e," paglilinaw niya. "Kasi alam naman niya na bata pa yung kapatid ko, e. Kaya nagloloko siya sa akin, ‘Ate, hintayin ko.' Sabi ko naman sa kanya, ‘Ate ka diyan!'"



Sa sobrang pagiging abala ni Willie, nakakagulat na may time pa siyang makipagbarkada sa kanila ni Cristine. Senyales na raw ito na may relasyon nga ang dalawa.



"Hindi," tanggi ni Ara. "Siyempre kapag nanunuyo ka, kailangan, di ba? Nanunuyo, kailangan medyo ano ka, pakitang-gilas ka."



Nanunuyo lang?



"Tanungin ninyo si Pappi kung nanunuyo siya [kay Cristine]!" natatawang sabi ni Ara.



May pagdududa ba siya kay Willie?



"Oo, alam naman niya, e. Pero natatawa lang siya sa akin, natatawa rin ako sa kanya," sagot niya.



Ano ang ipinapayo niya kay Cristine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ang masasabi ko lang, bata pa siya. Career muna. Kung sila, sila, di ba? Ayun," pahayag ni Ara.



Nagdala raw ng pagkain si Willie nang dalawin niya si Cristine sa shooting ng movie nila na Ate. Hindi naman daw nagtagal si Willie sa set, as in parang binabantayan si Cristine.



"Hindi naman siya nagbabantay kasi sunud-sunod din ang eksena namin ni Cristine, e. ‘Tsaka masyadong mabibigat ang mga eksena namin kaya hindi puwedeng maistorbo," paliwanag ni Ara.



Ano ang sinasabi niya kay Willie kapag nagkakausap sila tungkol kay Cristine?

"Sabi ko sa kanya, hinay-hinay lang. Bata pa ‘yang kapatid ko. Kapag kailangan niya ng kasama, nandito lang naman kami. ‘Tapos sana maging successful pa rin ang show niya at marami siyang matulungan. At maiwasan na ang mga intriga, yung mga gulo, di ba? Para marami pa siyang mapasaya na tao. Mabait naman ‘yan, e," pagtatapos ni Ara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN