Marian Rivera will make the first move to greet Angel Locsin if they meet

IMAGE 0


Marian Rivera says she will approach former GMA-7 star Angel Locsin (inset) if they ever see each other. "Hindi kami kailangang magkailangan at magpapansinan kami dahil ako angunang papansin sa kanya. Ako mismo ang lalapit sa kanya," says Marian.



Aalis papuntang Bangkok, Thailand ang young actress na si Marian Rivera para mag-shoot ng TV commercial ng bago niyang endorsement. Nalaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na isang top brand ng shampoo ang latest endorsement ng lead star ng Marimar na siyempre ay bawal pang sabihin sa ngayon.



Sa February 1 ang alis ni Marian at hanggang February 3 siya sa Bangkok. Bago magtapos ang buwan, eere na sa telebisyon ang nasabing commercial. Ngayon lang yata kukuha ng artistang image model/endorser ang brand ng shampoo dahil in the past, puro models ang kanilang kinukuha.

Ang scheduled TV commercial shoot ang rason kung bakit hindi makakasama sa Singapore si Marian para dumalo sa Singapore Film Festival na gagawin sa February 1 to 2. Ipalalabas kasi doon ang Bahay Kubo ng Regal Entertainment, kung saan isa si Marian sa cast.

Samantala, kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni Marian sa mga pahayag ni Angel Locsin tungkol sa kanya. Nabanggit kasi ni Angel sa presscon ng Lobo na dahil sa maraming nasusulat tungkol sa kanila ni Marian, kasama ang pagkukumpara sa kanila, hindi na niya alam kung magpapansinan sila ‘pag sila ay nagkita. Dagdag pa ni Angel, hindi sila puwedeng pagkumparahin dahil maganda't maputi raw si Marian samantalang siya naman ay maitim.



"Hindi kami kailangang magkailangan at magpapansinan kami dahil ako ang unang papansin sa kanya. Ako mismo ang lalapit sa kanya. Tungkol sa kung sino ang mas maganda sa amin, pareho kaming maganda. Joke! May kanya-kanya kaming ganda," sagot ni Marian.

Matatandaang bago lumipat si Angel sa ABS-CBN ay sa kanya unang inalok ang role na Marimar, na eventually nga ay napunta kay Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN