PEP EXCLUSIVE: Alessandra de Rossi denies report she slapped ex-boyfriend Jeremy Marquez in Davao

IMAGE 0


"May dini-demonstrate ako sa kanya noon. Bakit ko siyasasampalin at dalawang beses pa? Puwede kong gawin yun dahil sa mganagawa niya sa akin, pero hinding-hindi ko ito magagawa in public," explains Alessandra de Rossi about a tabloid report that she slapped ex-boyfriend Jeremy Marquez when they saw each other in Davao.



"Binaligtad nila ako," umiiyak na tawag ni Alessandra de Rossi sa amin tungkol sa lumabas na artikulo nila ni Jeremy Marquez sa isang tabloid kaninang umaga, January 29.

Ayaw nang napapasulat ni Alex sa PEP (Philippine Entertainment Portal), maganda man o pangit. Masyado na raw kasi siyang nasaktan sa mga comments sa kanya ng ilang readers dito. Umiiyak ang kanyang ina sa mga nababasa rito kung kaya't nagmakaawa siya sa mga kaibigan niyang entertainment writers na huwag na siyang isulat dito sa PEP.

Kahit ang artikulong ito, ayaw nang ipasulat ni Alex ngunit kami na ang nagdesisyon na isulat dahil sobrang nasaktan si Alex sa lumabas ngayon sa isang tabloid na tila siya ang naghahabol kay Jeremy, na si Jeremy ang wala nang amor sa kanya, at sinampal niya diumano ang dating boyfriend.

"Alam mo naman kung paano ko naiwasan ‘yan [Jeremy], pati ang nanay ko, tini-text niyan. Pero sabi ko sa kanya [her mother], huwag na lang sagutin," panimulang paliwanag ni Alex.

"Ang mga text messages niya sa akin: ‘I miss you,' ‘I love you,' ‘I can't forget about you,' ‘One day you will be the one who will text me.' Hindi ko nga sinasagot kahit once. Bakit all of a sudden, ako raw ang nagti-text sa kanya ng mga ganito? Magpakita siya ng mga text messages ko na ganito kung may maipapakita siya," hamon niya.

For the record, in a span of six months, tatlong beses na yatang nagpalit ng number si Alex dahil sa pangungulit daw ni Jeremy sa kanya. Hindi raw alam ng young actress kung sino ang nagbibigay ng number niya kay Jeremy. Kahapon, January 28, nagpalit na naman ng number ang dalaga.

Nagkasama ang dalawa last week sa Nivea celebrity challenge na ginawa sa Pearl Farm sa Davao. Dahil nandoon na sila, walang magawa si Alex kung hindi makibagay na lang, lalo na't kinakantiyawan sila ni Jeremy ng mga tao sa paligid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa naisulat today sa isang tabloid na may headline na "Sinampal ni Alessandra si Jeremy," pinabulaanan ito ni Alex at mismong si Jeremy raw ang makapagpapatunay nito.

"Sasabihin ko sa iyo ang mga puwede kong gawin, pero ang sampalin si Jeremy sa public, hinding-hindi ko magagawa," mariing sabi ni Alex.

Wala rin daw sa record ni Alex na maging confrontational sa public. Kung matatandaan daw, walang naging confrontation sa kanila ni Jennylyn Mercado noong nagkaroon sila ng iringan. Nang napahiya siya sa ginawa ni Rhian Ramos sa isang taping, hindi rin niya ito sinagot-sagot, kundi ang cell phone ang binalingan niya ng galit at ibinato.

"May dini-demonstrate ako sa kanya [Jeremy] noon. Bakit ko siya sasampalin at dalawang beses pa? Puwede kong gawin yun dahil sa mga nagawa niya sa akin, pero hinding-hindi ko ito magagawa in public," paliwanag ng nakababatang kapatid ni Assunta de Rossi.

Ang ikinaiyak ni Alex, sa bandang huli ng lumabas na artikulo ay parang siya nga ang naghahabol kay Jeremy at siya pa ang dini-dedma ng ex-boyfriend.

"Kahit magkasama kami sa Davao, tuloy pa rin ang text niya sa akin ng ‘I love you,' ‘I'm doing my best na makatayo without you pero hindi ko kaya.' ‘Tapos ako pa ang naghahabol?" reklamo niya.

"October 2006 kami naghiwalay, hindi siya tumitigil sa kaka-text sa akin. May pangatlong ring na nga raw siya sa akin, hindi ko tinatanggap."

Matatandaang binigyan ni Jeremy ng singsing si Alex nang naging mag-on sila at binigyan ng isa pa nang mag-reconcile sila.

Patuloy ni Alex, "Pakakasalan niya na raw kasi ako. May text siya sa akin na ‘Can I marry you?' at ang sinasagot ko sa kanya ‘never.' 'Tapos ako ang naghahabol?

"Kinausap ko na siya nang masinsinan sa Davao. Sabi ko sa kanya, puro ka 'I love you' sa akin, hindi ka ba naaawa sa mga babae mo ngayon na niloloko mo na sila ang ka-on mo, pero ako ang gusto mong pakasalan? Itigil mo na ‘yan, move on.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Alex na nagwala nga siya nang papauwi na sila ni Jeremy dahil may ginawa na namang hindi maganda ang dating kasintahan sa kanya the night before the departure. Off the record ang kuwento.

"Hindi-hindi ko idya-justify ang pagwawala ko noon, pero kung kayo ang nasa situwasyon ko, malalaman n'yo kung bakit kailangan kong gawin ‘yon. Masuwerte siya ganoon lang ang ginawa ko dahil babae ako, nandoon pa ang tatay niya [Joey Marquez]. Kailangan kong maging bitch para makawala ako sa kanya," pagtatapos ni Alex na halatang nagpupuyos sa galit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN