Lovi Poe likes Jolo Revilla's being a "touch" person

IMAGE 0


"Siya naman ang humahawak ng kamay ko, alangan namang alisin ko po. But I also like that trait. Pero hanggang doon lang kami," explains Lovi Poe about the observation that she and rumored boyfriend Jolo Revilla are too "touchy" with each other.



The only thing Lovi Poe can admit at this point about her and Jolo Revilla is that he is courting her.

Pinayuhan naming huwag masyadong mag-PDA (public display of affection) si Lovi during the farewell presscon of Zaido Pulis Pangkalawakan last Monday, January 28, sa GMA-7 compound.

In another presscon na ginawa sa GMA-7 two weeks ago, saksi kami, pati ng editor namin dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), na magka-angkla sina Lovi at Jolo sa GMA lobby while waiting for their ride galing sa taping ng SiS. Nang nakita kami ng dalawa, naghiwalay ang mga kamay nila para bumati sa amin kung kaya't tinukso namin sila na kung hindi sila mag-on, bakit sila magka-angkla.

The day before the Zaido farewell presscon, may nag-text sa amin na nagtatanong kung sina Lovi at Jolo na ba dahil magka-holding hands daw ang dalawa sa canteen ng GMA-7 . Pinabasa namin ang text message kay Lovi at pinaalala namin ang incident sa lobby.

"Kasi po touchy talaga si Jolo," paliwanag niya. "Siya naman ang humahawak ng kamay ko, alangan namang alisin ko po. But I also like that trait. Pero hanggang doon lang kami."

But yes, Lovi added, he is already courting her.

Ipinakilala na rin daw si Lovi ni Jolo sa parents nitong sina Senator Bong Revilla at Lani Mercado. In turn, ipinakilala na rin ni Lovi si Jolo sa mommy niya na si Rowena Moran. Wala raw problema sa mga magulang nila.

Ipinakilala na rin daw ni Jolo si Lovi kay Gabs, ang anak ng young actor kay Grace Adriano na anak ni Rosanna Roces.

"Once pa lang, mahiyain pa si Gabs, puro ngiti pa lang. Hindi pa yata nagsasalita," kuwento ni Lovi.

We asked Lovi kung okay sa kanya kahit may anak na si Jolo and she said she doesn't mind.

"If I'm judgmental, he wouldn't be able to court me," saad ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lovi is turning 19 this February 11, preparing for her second album and also her next show in GMA-7 after Zaido, the afternoon soap Kaputol Ng Isang Awit.

We asked Lovi kung sino ang mas gusto niyang makatambal for the soap, si Jolo or her perennial partner na si Prince Stefan na First Prince ng StarStruck 4.

"Kahit sino po, hindi naman po ako ang magde-decide nito," sagot niya.

What if it will be Prince dahil comment na rin ng mga press sa paligid, they look good together. Hindi kaya magselos si Jolo?

"Hindi naman po siguro. Una, wala pa naman kaming commitment. Ikalawa, trabaho po ito at maiintindihan niya ito siguro dahil actor din siya," pagtatapos ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN