Alma Concepcion stays out of rumored affair between ex-flame Dodie Puno and Gretchen

IMAGE 0


"Kung tatanungin n'yo ako, kung alam ko ang tungkol sa tsismis na ‘yan,sorry pero wala talaga. Nagulat pa nga ako nang i-mention ‘yan sa akin," says former beauty queen Alma Concepcion about the rumored affair of Dodie Puno (inset, top) and actress Gretchen Barretto (inset, below). Dodie is the father of Alma's son.



Matunog na matunog ang balitang hiwalay na diumano sina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco. The fact na tumanggap daw ng isang teleserye si Gretchen sa ABS-CBN ay senyales na hindi na nakikialam si Tonyboy sa mga desisyon ni Gretchen.

Nabalita noon na hindi na pinapayagan ni Tonyboy si Gretchen na maging active ulit sa showbiz dahil naiipit lang daw ito sa kontrobersiya. Pero ngayon ay mukhang iba na ang ihip ng hangin, at nag-iisip tuloy ang mga tao na baka nga totoo ang balitang hiwalay na ang dalawa.



Nali-link ngayon si Gretchen sa businessman na si Dodie Puno. Dahil sa balitang ito ay sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kunan ng pahayag si Alma Concepcion, ang dating girlfriend ni Dodie. Nagkaroon sila ng anak na lalake, si Coby.



Nag-alangan noong una si Alma na magbigay ng komento tungkol kina Dodie at Gretchen. Katuwiran niya ay matagal na silang walang relasyon ni Dodie. Though meron silang anak, hindi raw nakikialam si Alma sa anumang personal affairs ni Dodie. Pero hindi nagtagal ay nagpaunlak na rin ang dating beauty queen na magbigay ng kaunting pahayag.



Ayon kay Alma, "Kung tatanungin n'yo ako, kung alam ko ang tungkol sa tsismis na ‘yan, sorry pero wala talaga. Nagulat pa nga ako nang i-mention ‘yan sa akin. I'm not close to Gretchen kaya there's no way I can ask her about it.



"I really don't know kung ano ang mga ginagawa ni Dodie. Ang pinaka-connection ko na lang with him is our son. Nag-uusap kami, pero kadalasan we talk about Coby. Nothing more than that. 'Tsaka, friends naman talaga kami ni Dodie."

Since okay naman sila ni Dodie bilang magkaibigan, wala ba siyang balak na tanungin ito regarding sa issue sa kanila ni Gretchen?



"Ay, huwag na lang kasi magagalit lang si Dodie sa akin!" tawa ni Alma. "Ayokong sabihin niya na nakikialam ako. It's his life naman kaya let him be. Ayoko rin naman na makikialam siya sa buhay ko ngayon. We both have moved on many years ago na. Kung anuman ‘yang tsimis na ‘yan, siguro diretso n'yo na siyang kausapin about that. Yun ay kung mapagsasalita n'yo siya," pagtatapos ni Alma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN