Paolo Paraiso longs to date Katrina Halili on Valentine's Day

IMAGE 0


Sexy actor Paolo Paraiso is very honest about his wish to date his Marimar co-star, Katrina Halili (inset), on Valentine's Day. But according to him, "Mahirap kasi nito, working day for both of us. Siguro kapag break time na lang namin, doon ako hihirit kay Katrina ng date!"



Given a choice, gustong maka-date ng sexy actor na si Paolo Paraiso sa darating na Valentine's Day ang FHM's Sexiest Woman at co-star niya sa Marimar na si Katrina Halili.

Ayon kay Paolo, malakas ang appeal sa kanya ni Katrina, lalo na ngayon. Kung noon daw ay okay lang sa kanya si Katrina, ngayon ay grabe ang sex appeal nito kaya hindi niya malaman ang gagawin para lang makakuha ng date with Katrina.



"Aminado ako na Katrina is so sexy and very beautiful. Marami kaming mga eksena sa Marimar at talagang lutang na lutang ang ganda at sex appeal niya. Sino ba namang lalake ang ayaw maka-date si Katrina, di ba?" nakangiting pahayag ni Paolo sa presscon ng My Best Friend's Girlfriend kagabi, January 30, sa Plaza Ibarra, Timog Ave., Quezzon City.



Sa araw mismo ng Valentine's Day ay may taping din si Paolo for Marimar at makakasama niya sa kanyang mga eksena si Katrina. Ngayon pa lang daw ay iniisip na niya kung paano lapitan si Katrina para mahingan ito ng date sa araw na ‘yon, lalo na't unattached naman ngayon ang sexy actress.



"Mahirap kasi nito, working day for both of us. Siguro kapag break time na lang namin, doon ako hihirit kay Katrina ng date!" tawa ni Paolo.

"Titiyempo ako ng magandang timing para makausap siya sa isang sulok para itanong sa kanya kung okay na maging date ko siya sa araw na ‘yon. Kahit na doon na kami sa set mag-date, di ba?"



Ano naman ang ireregalo niya kay Katrina sa Valentine's Day kung saka-sakali?



"Sa totoo lang, hindi ako maregalong tao. Pero in the case of Katrina, I will make an exception," sabi ni Paolo. "Special na tao si Katrina and somebody special deserves something special din. Siguro aalamin ko kung ano ang gusto niya at kung ano ang maa-appreciate niya. Ang importante ay matupad ang dream kong ma-date si Katrina sa Valentine's day."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN