FIRST READ ON PEP: Marian Rivera laughs off sneaking suspicion she's the next Dyesebel

IMAGE 0


"Ayoko munang sabihin kasi baka magalit yung management kung ano yungano yung next project ko, e. Basta nakausap na nila kami at may projectna ako," says Marian Rivera about reports that her next project after Marimar will be Dyesebel.



By first of week of March ay mawawala na sa ere ang No. 1 primetime series ngayon na Marimar after almost nine months of airing. Kaya naman marami ang gustong makaalam kung ano ang magiging next project ng itinuturing na hottest property ng Kapuso network ngayon na si Marian Rivera.

Sa mga nakalinyang proyekto ng GMA-7 this year, tatlo ang itinuturing na bigatin: Joaquin Bordado, Dyesebel, at Captain Barbell Meets Darna. Ang Joaquin Bordado na pagbibidahan ni Robin Padilla ay magsisimula na next month, samantalang ang Dyesebel ay magsisimula nang mag-taping sa March, at ang Captain Barbell Meets Darna ay malamang na later this year pa simulan.

Among the three huge productions, ang Dyesebel ang siguradong next big project ng GMA-7. And since Marian is now the network's hottest property and top crowd-drawer as proven by the success of Marimar, it seems likely that she will play the popular Pinoy mermaid. But since wala pang official statement from the management of GMA-7, nothing's definite yet.

Pero sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Marian kagabi, January 30, sa second presscon ng My Best Friend's Girlfriend—GMA Films and Regal Entertainment's Valentine offering starring Marian and Richard Gutierrez—sa Plaza Ibarra, Timog Ave., Q.C., mukhang ang young actress na nga ang napili ng Kapuso network to play Dyesebel.

Hindi man direkteng aminin ni Marian na siya nga ang gaganap na Dyesebel ay hindi rin naman nag-deny ang young actress. Basta ang tiniyak niya lang sa amin, sa pagtatapos ng Marimar ay may kasunod na siyang project sa GMA-7.

"Kapag may natatapos namang soap, talagang nakakalungkot. Pero siyempre, ‘pag merong nawawala, merong pumapalit naman," sabi ni Marian tungkol sa pagtatapos ng Marimar.

Nang tanungin kung ano kapalit na proyekto niya after ng Marimar, "secret" lang isinagot niya, ‘tsaka siya tumawa.

Dagdag niya, "Ayoko munang sabihin kasi baka magalit yung management kung ano yung next project ko, e. Basta nakausap na nila kami at may project na ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nalaman ni Marian na siya ang gaganap na Marimar sa pamamagitan ng isang sulat mula sa SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante. Paano naman sinabi kay Marian ang kanyang next project?

"Sabi lang ganito... Sabi ni Ms. Cheryl [Ching Sy, GMA-7's production manager], ‘Eto ang next project mo.' Ipinakita lang sa akin yung...drawing lang."

Biro ng entertainment press na nakapaligid kay Marian, "May buntot ba at kaliskis sa drawing?"

Tatawa-tawa lang ang young actress habang nilalaro ang mga tape recorders sa harapan niya. "Wala akong sinasabi, ah, baka mapagalitan ako ha!" paalala niya.

Isa pang role na ikinakabit sa pangalan ni Marian ay ang Darna, na magbabalik sa telebisyon via Captain Barbell Meets Darna sa katapusan ng taon. Kung papiliin si Marian, ano mas gusto niya, Darnao Dyesebel?

"Kung bibigyan lang ako ng chance...Dyesebel!" mabilis niyang sagot. "Kasi yung Dyesebel hindi pa nagagawa sa teleserye."

Sinabi rin ni Marian na marunong siyang lumangoy, pero kailangan pa rin niyang mag-swimming lesson kung saka-sakali. Pero nang nakahalata siya na inaaliw na siya ng mga kausap niyang writers para tuluyan na siyang mapaamin, bigla siyang kumambiyo at sinabing: "Hindi naman ako Dyesebel ah! Ano ka ba?!"

Nang tanungin naman kung bakit ayaw niyang mag-Darna, sinabi ni Marian na "end of the year pa kasi ‘yon, e."

Hindi pa rin tinantanan ng entertainment press si Marian at ipinagpipilitan na siya na nga ang gaganap na Dyesebel.

"Hindi! Ano ka ba?!" tili niya ulit. "Makukumpirma ko lang sa inyo, may ibinigay na sa aking next project after ng Marimar."

Kailan ang start ng taping niya for her next project?

"Wala pa... Nasabi lang," sagot ni Marian.

Sinabi namin, nalaman ng PEP mula kay Direk Joyce Bernal—na direktor din ni Marian sa Marimar—nasa March na ang simula ng taping ng Dyesebel. Si Joyce din kasi ang magiging direktor ng Dyesebel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ah March ba? Di ko alam, hindi naman siya [Direk Joyce] ang kasama ko, e," patay-malisya kunwaring sagot ni Marian.

Ibig bang sabihin nito ay iba ang direktor sa next project niya with GMA-7?


"Hindi ko alam!" tili niya ulit. "Magagalit sa akin management, [baka sabihin] pinangungunahan ko sila. Basta ang hirap kasi sabihan na, ‘Ito ang next project mo.' Hangga't hindi ka pa nagte-taping, hangga't wala pang presscon, mahirap ‘yon."

Hindi pa rin daw alam ni Marian kung sino ang magiging leading man niya sa susunod niyang TV show.

Ano ang naramdaman niya nang malaman niya kung ano ang next project niya?

"Siyempre, masaya ako," sabi niya, "Actually, kahit ano namang project ang ibigay sa akin ng GMA, basta sunud-sunod lang yung projects ko, masaya na ako nun... Siyempre, excited din."

Biro kay Marian, kung napa-splash ba ang mga paa niya nang malaman niya ang next role niya.

"Ano ba?!" natatawang sabi ng young actress. "Alam n'yo, magagalit sa akin yung management talaga."

Anyway, nakapanood na raw ng ibang Dyesebel movies si Marian at ang favorite niya na gumanap sa naturang role ay si Alice Dixson.

"Kasi unique yung kanya. ‘Tsaka ano, exposed talaga [yung breasts], yung talagang walang kiyeme," paliwanag niya kung bakit niya nagustuhan si Alice bilang Dyesebel.

Sinabi noon ni Marian sa isa niyang interview na willing din siyang mag-topless kung saka-sakaling sa kanya nga ibigay ang role na Dyesebel.

"Ah, oo, willing talaga ako," ulit niya. "Siyempre, mas maganda kasi yung ginagawa mo nang walang [takip]... Depende kapag ako ang binigyan nila ng project na ‘yon."

Dahil mahaba ang buhok ni Dyesebel, biniro na naman ng entertainment press si Marian na meron pa siyang isang buwan para magpahaba ng buhok in time for the start of the taping sa March.

"May extension namang tinatawag!" balik-biro rin ni Marian na wala pa ring tigil sa kakatawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN